Vilma ayaw sa Senado at Kongreso; tatakbo uling Mayor ng Lipa sa 2016

By Reggee Bonoan May 14,2015
share this

Vilma ayaw sa Senado at Kongreso; tatakbo uling Mayor ng Lipa sa 2016

By Reggee Bonoan May 14,2015
share this

vilma santos

BABALIK ba sa pagka-mayor si Batangas Gov. Vilma Santos-Recto sa Lipa City?

Kaya namin ito naitanong ay dahil may nakakuwentuhan kaming taga-Lipa at malakas daw ang balita sa kanilang lugar ng kakandidato uling alkalde ang Star For All Seasons sa 2016 elections.

Naalala namin sa huling panayam namin kay Ate Vi noong nabubuhay pa ang kanyang consultant na si Ate Aida Fandialan ay hindi pa niya naiisip kung anong plano niya sa 2016, basta’t ang main goal daw niya ay tatapusin niya muna ang ikatlong termino bilang gobernadora ng Batangas.

Ilang buwan na lang at eleksyon na at hanggang ngayon ay wala pang nababangit ang mommy ni Luis Manzano kung tutuloy siya sa kongreso o sa senado.

At noong Linggo nga ay nakatsikahan namin ang isang kababayan ni Ate Vi at nabanggit nga nitong malakas ang ugong na babalik sa pagka-mayor ang aktres cum pulitiko.

“Gusto siya ng mga taga-Lipa, sa lahat kasi ng naging mayor, si Ate Vi ang may maraming nagawa, may pinakamagandang nagawa sa probinsiya namin. Sobrang hands on siya sa lahat ng project, nakikita nga namin siya sa kalye,” kuwento sa amin.

Hindi naman bago ang kuwentong ito sa amin dahil nabanggit na rin ito noon ng gobernadora ng Batangas na pati nga sukat ng kalsada ay talagang tsine-check niya para alam niyang walang daya.

Marahil ay marami pang gustong mangyari si Gov. Vilma sa bayan ng Lipa kaya siguro siya babalik sa pagka-Mayor kung totoo nga ang kuwento sa amin.

Ano nga ba ang final answer mo Ate Vi?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending