Psy ng ‘Gangnam Style’ muntik na mabaril, mapatay sa military camp
MAPALAD na nakaligtas sa kamatayan ang kilalang K-pop star na nagpasikat ng kantang “Gangnam Style” na si Psy.
Isang shooting rampage ang nangyari sa isang military training camp Miyerkules, kung saan nagtungo ang singer.
Ayon sa ahensiya na may hawak sa K-pop star, si “Psy had been at the Naegok-dong military training camp as a reservist.”
Ayon sa ulat, isang gaya ni Psy na reservist ang nagpaputok ng baril sa kanyang mga kasamahan alas 10:44 ng umaga Miyerkules.
“A reservist opened fire on his colleagues while receiving training at a military camp at around 10:44 a.m. today.”
Isa ang nasawi habang tatlo ang nasugatan bago nagbaril sa sarili ang suspek.
Mabuti na lamang at maaga umanong nagpaalam si Psy na makaalis dahil meron siyang schedule.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.