Ai Ai kumpleto na ang kaligayahan: may career, may dyowa | Bandera

Ai Ai kumpleto na ang kaligayahan: may career, may dyowa

Ervin Santiago - May 13, 2015 - 02:00 AM

aiai delas alas

Isa pang dakilang ina ang haping-happy last Sunday, ‘yan ay walang iba kundi ang Comedy Queen at ang nag-iisang Tanging Ina ng showbiz na si Ai Ai delas Alas.

Tulad din ng ibang ina, etong si Ai Ai ay very much willing din na ibigay ang lahat para sa kanyang mga anak. Kaya naman ganoon na lang din ang pagmamahal sa kanya ng tatlo niyang mga anak na sina Sancho, Sofia and Nicolo.

Tapos nandyan pa sa tabi niya ang current love niya na si Gerald Sibayan na binati rin siya ng bonggang “Happy Mother’s Day” noong Sunday.

Halos wala na talagang mahihiling si Ai Ai sa Maykapal sa pagpapalang dumarating sa kanya at kapayapaan ng buhay ngayon. Kung meron mang isang bagay siguro siya na dinadasal-dasal ngayon ay ang patuloy na pagtangkilik ng mga manonod sa kanyang primetime teleserye sa GMA, ang Let The Love Begin.

Happy si Ai Ai dahil nag-trending agad sa social media on its first week pa lang ang Let The Love Begin. Klik ang tandem nila ni Gardo Versoza bilang mga DJ na may sariling “fans club” huh!

And for a change, tumanggap ng off-beat role ang dating international MTV VJ na si Donita Rose bilang third party sa “loveteam” nina Ai Ai at Gardo.

Dahil diyan, excited much na kami sa mga susunod na episodes gabi-gabi ng Let The Love Begin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending