Mga kongresista dapat isailalim sa HIV/AIDS test | Bandera

Mga kongresista dapat isailalim sa HIV/AIDS test

Leifbilly Begas - May 12, 2015 - 05:07 PM

UMAPELA ang ilang kongresista sa kanilang mga kapwa mambabatas na sumailalim sa HIV-AIDS test. Sa ganitong paraan, sinabi ni Ifugao Rep. Teddy Baguilat na mas marami ang mahihikayat na magpasuri para hindi na makahawa ng nakamamatay na sakit. Ayon kay Baguilat konti lamang ang mga mambabatas na sumasama sa kanila para magpasuri. “Last year apat lang kami. Sana dumami kami ngayon,” ani Baguilat. Kahapon sinabi rin ng Philippine Legislators’ Committee in Population and Development na kailangan ng P4.8 bilyon hanggang P6.6 bilyon para labanan ang sakit na patuloy na tumataas ang bilang ng mga nahahawa. Ngayong taon ang nakalaang pondo para labanan ang sakit ay P383 milyon lamang. Noong Marso 667 bagong kaso ng HIV ang naiatala, mas mataas ng 34 porsyento sa naitala sa kaparehong buwan noong 2014. Mula 1984, umabot na sa 24,376 kaso ng HIV-AIDS ang naitala. Ang pinakamaraming nahawa ay sanhi ng pakikipagtalik sa kapwa lalaki.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending