Bakit natalo si Hagedorn sa recall polls | Bandera

Bakit natalo si Hagedorn sa recall polls

Ramon Tulfo - May 12, 2015 - 03:00 AM

BULOK hanggang sa buto ang ating penal system. Rotten to the core sa wikang Ingles.

Maitutuwid lamang ang New Bilibid Prisons (NBP), ang central prison sa bansa, kapag ang lahat ng opisyal at guwardiya dito ay ililipat sa prison colonies sa iba’t ibang dako ng bansa.

Ang paggawa at pagta-traffic ng droga sa loob mismo ng NBP ay hindi natigil kahit na ni-raid na ito ni Justice Secretary Leila de Lima noong isang taon.

Ang mga cellphones, na bawal sa loob, ay ginagamit ng mga inmates sa loob na parang sila’y nasa laya.

Ang mga cellphones ay nagsisilbing gamit ng mga convicted drug lords sa pagpapatakbo ng kani-kanilang sindikato sa labas.

Ang pagdadala ng mga babaeng bayaran o prostitutes sa loob ng NBP ay isang ordinaryong pangyayari.

Ang alak ay mabibili sa mga guwardiya sa malalaking halaga, pero ito ay hindi problema sa mga mayayaman na preso. Halimbawa, ang isang boteng gin ay nagkakahalaga ng P1,500 na ang presyo sa labas ay P50.

Kahit na ang pagkain na isinisilbi sa mga inmates ay pinagkakakitaan ng isang opisyal ng Department of Justice (DOJ).

Ang mga preso ay kinikikilan ng mga guwardiya upang makapagbigay sa mga opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) at DOJ.

Ang mga preso na nakakapagbigay ng malalaking halaga, gaya ng mga drug lords, ay tinuturing na mga hari sa loob ng NBP.

Ang lahat ng mga impormasyon na yan ay nakalap ko sa aking panayam sa isang common-law wife ng isang inmate sa maximum security sa NBP.

Alam ng babae ang nangyayari sa loob dahil siya ay may sari-sari store sa loob ng NBP na itinayo niya at ng kanyang partner na preso.

Naghahanap si Pangulong Noynoy ng ipapalit sa tutulug-tulog (o baka lang nagtutulug-tulugan) na director ng BuCor na si Franklin Bucayu, na isang retired police general.

Ang balitang ipapalit kay Bucayu ay isang retired Army general.

Bakit hindi naman subukan ni P-Noynoy ang isang dating taga loob na si retired Prisons Superintendent Juanito Leopando?

Alam ni Leopando ang gawain ng mga inmates sa NBP dahil matagal siyang nadestino sa central prison.

Si Leopando ay nag-retire na malinis ang record.

Siya ay naging adviser ng mga BuCor directors na mahigpit sa pamamahala ng prison system, gaya ni Vicente Vinarao.

Talo si dating Puerto Princesa Mayor Edward Hagedorn kay incumbent Mayor Lucilo Bayron sa recall election noong nakaraang linggo.

Dehadong-dehado si Bayron pero siya ang nanalo.

Ang suporta na nanggaling kay Palawan Gov. Pepito Alvarez ang nagpanalo kay Bayron.

Walang laban ang business sector na sumuporta kay Hagedorn.

Sinuportahan ng business sector si Hagedorn dahil noong panahon nito bilang alkalde ay maunlad ang tourism industry sa lungsod.

Ang Puerto Princesa kasi ay dumedepende sa turismo upang kumita. Tourism is the city’s main industry.

Pero ang No. 1 “supporter” daw ni Bayron ay ang kapatid ni Hagedorn na si Congressman Douglas, na isa raw abusado at land-grabber.

Sinabi ni Douglas Hagedorn na siya’y magpa-file ng panukalang batas sa House of Representatives upang mailipat ang Palawan provincial capitol sa ibang lugar.

Ito ang ikinagalit ni Alvarez.

Ang kadaldalan ni Douglas ang nagpahamak din kay Edward. Sinabi ni Douglas na kung siya ang masusunod, paaalisin niya ang mga Bisaya sa Puerto Princesa na ikinagalit ng mga Bisaya sa lungsod.

Treinta porsiyento na mga naninirahan sa Puerto Princesa ay mga Bisaya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Si Douglas daw ang naging dahilan ng pagkatalo ni Edward Hagedorn.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending