Sulat mula kay Sarah Jane ng Pasonanca, Zambonga City
Problema:
1. Ako po ay tapos ng pagkaguro pero hindi po ako nakapasa sa board exam kaya hindi po ako nakapagturo. Sa ngayon ay istambay lang ako kaya minabuti kong mag-aplay sa abroad kahit na D.H. lang. May aplay po ako sa ngayon sa Dubai, itatanong ko lang po kung matutuloy kaya ako sa taong ito ng 2015 o sa susunod na taong 2016?
2. Wala rin akong boyfriend sa ngayon, kaya gusto ko ring malaman kung kailan po ba ako magkaka-boyfriend? May 10, 1989 po ang birthday ko.
Umaasa,
Sarah Jane ng Zambonga City
Astrology:
Ang zodiac sign mong Taurus (Illustration 2.) ang nagsasabing bukod sa pangingibang bansa, sa susunod na taong 2016 matutupad na rin ang pangarap mong magka-boyfriend, hatid ng isang lalaking nagtataglay ng zodiac sign na Virgo na makikilala mo sa ibayong dagat.
Numerology:
Ang birth date mong 10 ay nagsasabing ang lalaking magiging first and last boyfriend mo na makikilala mo sa ibang bansa ay nagtataglay ng birth date na 7, 16 o kaya’y 25. Sa piling ng nasabing lalaki may pangako ng isang maligaya at pang habang buhay na pakikipag-relasyon.
Luscher Color Test:
Upang mapanatili ang suwerte at magandang kapalaran kahit na nasaang lugar ka man, laging magsuot at gumamit ng kulay na pula, berde at dilaw.
Huling payo at paalala:
Sarah Jane ayon sa iyong kapalaran, maghintay-hintay ka lang, dahil tulad ng nasabi na, sa taon ding ito ng 2015 mabilis ang magaganap sa buwan ng June o kaya’y July sa edad mong 26 pataas, may isang mabunga at mabiyayang pangingibang bansang itatala sa iyong kapalaran, at sa nasabing pag-aabroad, doon mo na rin makikilala ang isang lalaking nagtataglay ng zodiac sign na Virgo, na siya na ring magiging unang boyfriend mo na makakasama sa pagbuo ng isang maligaya at pang hahang buhay ng pamilya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.