PSL finals sisimulan na | Bandera

PSL finals sisimulan na

Mike Lee - May 11, 2015 - 12:00 PM

Mga Laro Ngayon
(Imus Sports Complex)
4:15 p.m. Petron vs Shopinas
6:15 p.m. Philips Gold vs Foton

MAPUPUNO ng aksyon ang pagbabalik ng laro sa 2015 Philippine SuperLiga (PSL) All-Filipino Conference sa pagbubukas ngayon ng best-of-three finals sa Imus Sports Complex sa Imus City.

Ito na ang ikatlo at huling “Spike-on-Tour” sa ligang inorganisa ng SportsCore katuwang ang Asics, Mikasa, Senoh, Mueller Sports Medicine, Via Mare, LGR at Healthway Medical at ang Petron at Shopinas ay magtutuos sa unang laro sa ganap na alas-4:15 ng hapon.

Nagbakasyon ang liga ng halos dalawang linggo dahil nagpaubaya sila sa pagdaraos ng 1st Asian U23 Women’s Volleyball Championship na kung saan ang Pilipinas ay tumapos sa ikapitong puwesto.

Hindi pa natatalo ang Lady Blaze Spikers matapos ang 11 laro upang mapaboran ang koponang hawak ni coach George Pascua sa serye.

“Maganda na ang takbo ng team ngayon. Ibang labanan na ito at hindi na dapat isipin pa ang mga nangyari na at dapat ay hindi maging kumpiyansa dahil hindi birong kalaban ang Shopinas,” wika ni  Pascua.

Aasahan ng koponan sina Dindin Santiago, Aby Maraño at Rachel Ann Daquis para ilapit ang koponan sa pakay na ikalawang sunod na titulo sa liga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending