RisingStars Philippines: Ang Huling Walong Bituin | Bandera

RisingStars Philippines: Ang Huling Walong Bituin

- May 09, 2015 - 03:10 PM

RisingStars Philippines’ hosts: Ogie Alcasid, Venus Raj and Mico Aytona

RisingStars Philippines’ hosts: Ogie Alcasid, Venus Raj and Mico Aytona

Host Ogie Alcasid

Host Ogie Alcasid

Acoustic night with Bon from Cavite

Acoustic night with Bon from Cavite

Joselito“Bon” Gustillo Jr from Cavite

Joselito“Bon” Gustillo Jr from Cavite

Remy Luntayao from Laguna

Remy Luntayao from Laguna

 Last week’s ‘Shining Star’ Rocelle Solquillo from Bacolod

Last week’s ‘Shining Star’ Rocelle Solquillo from Bacolod

 Bacolod’s pride Lee’Anna Layumas

Bacolod’s pride Lee’Anna Layumas

Iloilo’s girl Mia Barbra Derilo

Iloilo’s girl Mia Barbra Derilo

Krezia Mae Toñacao from Quezon City

Krezia Mae Toñacao from Quezon City

Ngayong nahahasa na sila sa pagsabak sa live show, ang anim na natitirang kalahok ay patuloy lang na nagpapakita ng kanilang angking galing patungo sa pagiging RisingStar.

Ito ang ipinamalas ni Lee’Anna Layumas ng Bacolod, bilang unang finalist na nakaharap ang kanyang Challenger para sa “Girl On Fire” na kinanta niya nu’ng nakaraang Sabado.

Kahit pa kinabahan, nailabas niya ang kanyang galing at siya pa rin ang nagwagi. Ito ay kanyang pinagpatuloy sa kanyang solo performance ng “Halo,” na kinagiliwan ng lahat.

Kasama niya sa Top 6 ang bagong Shining Star at kapwang Bacolodnon na si Rocelle Jeanne Solquillo. Puno ng papuri ang mga hurado na sina Jaya, Papa Jack, at Ogie Alcasid sa kanyang performance ng “Decode.” Umani rin ng puri ay si Krezia Mae Toñacao. Matapos kumanta ng mga Tagalog na awit sa nakaraang dalawang show, siya ay inaasahang mangunguna sa tema ngayong linggo at kinanta nga nito ang “Dadalhin.”

Ang dalawang rocker na sina Mia Barbra Derilo at Joselito Gustillo Jr. naman ay nagpakita ng kakaibang anyo sa kanilang mga awit na “Iris” at “Payphone.” Matapos magtagumpay sa acoustic week, sila ay umaasang magpatuloy pa sa tema ng susunod na show, ang OPM. Nais naman ni Remy Luntayao na kinanta ng “What’s UP” na maisapuso ang turo at tips ng mga judges para matupad ang kanyang potensyal na maging isang total performer.

Maliban sa pagtulong sa kanilang makasali sa Top 5, ito rin ay pagkakataong manalo nang ganun kadali. 15 sa mga sumagot ng “Rocel” sa Question of the Day ay mananalo ng PhP2,000 bawat isa. Ang Top 2 active voters naman ng finalists at challengers ay maguuwi ng Myphone Topaz phone. Simple lang ang pag-rehistro. I-text lamang ang RS REG at ipadala sa 2948 ng libre.

Para bumoto, maaaring ipadala ang mga sumusunod na keyword para sa bawat

Joselito“Bon” Gustillo Jr.–RS VOTE BON

Krezia Mae Toñacao – RS VOTE KREZ

Lee’Anna Layumas – RS VOTE LEAN

Mia Barbra Derilo – RS VOTE MIA

Remy Luntayao – RS VOTE REMY

Rocelle Solquillo – RS VOTE ROCEL

Walang limit ang pagboboto sa text kaya ipadala lang ang lahat ng inyong suporta simula Huwebes, Mayo 7, ala-6 ng umaga. Para sa website (www.risingstars.ph) at mobile app, isang boto lamang bawat 30 minuto ang maaari. Sa simula naman ng show, maaari nang bumoto bawat 10 minuto hanggang sa huling kanta ng gabi.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sino kaya ang makakatunggali ng challenger ngayong linggo? Sino ang matatanghalan bilang Shining Star para sa OPM? Panoorin ang ikatlong live episode ngayong Sabado, Mayo 9, 10PM, sa TV5.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending