Balikat ni Pacman inoperahan na | Bandera

Balikat ni Pacman inoperahan na

Melvin Sarangay - May 08, 2015 - 12:00 PM

SUMAILALIM na sa operasyon si Manny Pacquiao kahapon para ayusin ang rotator cuff injury sa kanang balikat at agad namang nakauwi sa kanyang tahanan sa Plymouth Boulevard sa Los Angeles, California, USA para magpahinga.

Nagdesisyong maoperahan agad ang kanang balikat si Pacquiao at tumungo  sa isang malapit na ospital para ipatahi ang punit sa rotator cuff sa isang prominenteng orthopedic surgeon.

Nakatakda namang umuwi sa Pilipinas  si Pacquiao at ang kanyang pamilya sa Linggo at pagdating ay sasakay ng connecting flight patungo ng General Santos City.

Bunga ng operasyon, si Pacquiao ay hindi sasabak sa mga matitinding aktibidades, lalo na ang pagbo-boksing at pagbasketbol sa loob ng lima hanggang anim na linggo. Kailangan din niyang dumaan sa rehabilitation therapy at inaasahan na tuluyang gagaling ito sa loob ng apat hanggang anim na buwan.

May doktor naman na lilipad patungo ng Pilipinas kada buwan para tingnan ang paggaling ng rotator cuff ni Pacquiao, na naunang na-injure nang mahulog siya sa kanyang jet ski at tamaan ng malakas na alon noong 2009.

Samantala, si Pacquiao, ang kanyang promoter na si Bob Arum at adviser na si Michael Koncz ay nahaharap ngayon sa isang $5 milyong demanda na isinampa ng dalawang ticket buyers na hindi natuwa matapos na malaman na si Pacquiao ay may injury sa araw ng laban niya kay Floyd Mayweather Jr.

Bunga ng pagbitaw ng mga suntok kay Mayweather, lumala ang injury  ni Pacquiao sa ikaapat na round at hindi na naging epektibo pa ang kanyang kanang suntok.

Nalaman din na nanakit ang kanyang balikat sa sparring session noong Abril 4 at nagkaroon ng MRI (Magnetic Resonance Imaging) makalipas ang dalawang araw kung saan nakita ang punit sa rotator cuff.

Inamin ni Pacquiao ang injury na ito pagkatapos na matalo siya kay Mayweather sa Las Vegas, Nevada, USA noong Linggo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending