Mga politiko sa Benguet sinisi sa pagkansela ng Forevermore concert | Bandera

Mga politiko sa Benguet sinisi sa pagkansela ng Forevermore concert

Reggee Bonoan - May 04, 2015 - 02:00 AM

forevermore

SINULAT namin dito sa BANDERA kahapon na magkakaroon ng Thanksgiving Concert ang cast ng Forevermore para sa mamamayan ng Baguio City na gaganapin sana sa Sitio La Presa, Benguet.

Pero nagkaproblema nga dahil sumulat ang concerned environmentalists sa mga bossing ng ABS-CBN para ipaalam na hindi sila sang-ayon na magkaroon ng concert sa Sitio Pungayan, Benguet na mas kilala nga ngayon bilang La Presa.

May nagmungkahi na gawin na lang ito sa ibang lugar tulad sa Burnham Park o sa stadium ng Baguio para matuloy lang alang-alang sa kaligayan ng mga sumusuporta sa Forevermore.

Pagkalipas lang ng ilang oras ay sumagot na kaagad ang ABS-CBN at in-announce na kanselado na ang Forevermore thanksgiving concert na naka-schedule sana sa May 10.

As expected, maraming taga-Baguio ang nalungkot dahil asang-asa nga naman sila, pero para na rin sa kaligtasan ng kanilang bayan kaya hindi na matutuloy.

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay wala pang nababanggit sa amin ang Star TV staff kung itutuloy pa ang thanksgiving concert dito sa Maynila.

“Magmi-meeting palang kami bukas (ngayong araw) kung itutuloy dito sa Maynila, wala pa po kaming alam. “Nakakahinayang nga, kasalanan naman nu’ng mga opisyal ng Baguio kung bakit dumumi na ang La Presa kasi pinagbibigyan niya ng permit ‘yung mga nagtayo ng tiangge roon, kaya hayun, may legal something na nangyayari,” kuwento ng aming source.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending