Gun ban sa Davao para sa Palarong Pambansa | Bandera

Gun ban sa Davao para sa Palarong Pambansa

Mike Lee - May 01, 2015 - 12:00 PM

PARA matiyak ang kapayapaan habang isinasagawa ang 2015 Palarong Pambansa ay nagpalabas ng gun ban ang Philippine National Police (PNP) sa Davao del Norte mula Abril 20 hanggang Mayo 10.

Tinatayang hindi bababa sa 10,000 atleta, opisyales at bisita ang tutungo sa Davao del Norte para sa kauna-unahang hosting ng probinsya ng Palarong Pambansa.

“We were able to secure the PNP’s order for a gun ban in the province as an added security measures,” wika ni Davao del Norte Governor Rodolfo del Rosario.

Naunang tiniyak ng Gobernador ang kaligtasan ng mga bibisita sa nasasakupan para sa pinakamalaking kompetisyon sa mga mag-aaral na atleta sa elementary at secondary level.

Ang Palaro ay gagawin mula Mayo 3 hanggang 9 pero idinagdag ni Governor Del Rosario na magbibigay din sila ng seguridad sa mga delegasyon mula sa kanilang pag-alis sa kanilang rehiyon hanggang sa pagdating sa host province.

Ang Davao Del Norte Sports and Tourism Complex sa Tagum City ang main venue habang ang ibang palaruan ay magkakalapit lamang para matiyak na magiging komportable ang pansamantalang pamamalagi ng mga bisita mula sa 17 rehiyon sa bansa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending