Deserving si Ranidel | Bandera

Deserving si Ranidel

Barry Pascua - May 01, 2015 - 12:00 PM

RANIDEL de Ocampo reserved the best for last!

Tumikada ng walong puntos kasama na ang dalawang three-point shots si De Ocampo sa ikalawang overtime period upang tulungan ang Talk ‘N Text na maungusan ang Rain or Shine, 121-119, at maiuwi ang kampeonato ng 2015 PBA Commissioner’s Cup Miyerkules ng gabi.

Si De Ocampo ay hindi nagamit sa unang overtime period matapos na gumawa ng 26 puntos sa kabuuan ng regulation pero ibinuhos  niya ang kanyang makakaya sa ikalawang OT. Nagtapos siya ng mayroong career-high 34 puntos.

Kaya naman walang duda na siya ang napiling Holcim-PBA Press Corps Most Valuable Player of the Finals.

Siya naman talaga ang bumuhat nang todo sa Tropang Texters sa best-of-seven affair. Noon ngang Game Five na napanalunan din nila ay nagtala ng 33 puntos si De Ocampo upang pantayan ang kanyang career-high. Pero binura nga niya iyon sa Game Seven.

Kahit marahil ang kakampi niyang si Jason Castro, na siyang Best Player of the Conference awardee, ay hindi magrereklamo na na-overshadow siya ni De Ocampo sa Finals. Ito ay sa kabila ng pangyayaring nakapagtala rin ng career-high 44 points si Castro sa Game Three subalit natalo sila.

Bunga ng tagumpay ay naiuwi ng Tropang Texters ang kanilang ikapitong kampeonato sa kasaysayan ng prangkisa.

Kung tutuusin, matagal bago na-establish ng Talk ‘N Text ang dominasyong ito.

Magugunitang ang koponan ay naunang nakilala bilang Pepsi/Seven-up pero walang nangyari sa team na ito. Katunayan, isa sa mga naging coaches ng Seven-Up ay si Joseller “Yeng” Guiao na ngayon ay siyang head coach ng Rain or Shine.

Napulaan ang Pepsi/Seven-up dahil sa ipinamigay nito nang ipinamigay ang mga first round picks nito kaya hindi talaga nakapag-build up ng maayos.

Nang mag-take over ang Mobiline sa prangkisa ay nabago ang lahat. Nagsimulang kunin ng team ang mga manlalarong makakatulong sa pag-unlad ng prangkisa. Dumating ang mga tulad nina Paul Asi Taulava, Jimmy Alapag, Harvey Carey, De Ocampo, Castro, Kelly Williams, Ryan Reyes at iba pa.

At nagsimula ngang magwagi ng kampeonato ang koponan na nakilala bilang Talk ‘N Text.

Muntik na ngang makakumpleto ng Grand Slam ang Talk ‘N Text sa ilalim ni coach Vincent “Chot” Reyes kundi lang nasilat ng San Miguel Beer sa huling torneo.

Well, bago nagtagumpay ang Tropang Texters noong Miyerkules ay nakuha nila ang kanilang huling titulo six conferences ago sa ilalim ni coach Norman Black.

Sa simula ng taong ito ay hinalinhan ni Joseph Uichico si Black. Sa ikalawang conference ni Uichico bilang coach ng Talk ‘N Text ay naigiya na niya ang koponan sa kampeonato.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bilang baguhan sa koponan, hangad ni Uichico na maipagpatuloy pa ang tagumpay. At sa pananaw ng karamihan ay kayang-kaya nga niyang gawin ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending