NAIS gamitin ni Manny Pacquiao ang megafight nila ni Floyd Mayweather Jr. para magsilbing inspirasyon sa mga mahihirap.
Sa huling press conference para sa laban sa Sabado (Linggo sa Pilipinas) kahapon sa Ka Theather sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, ibinalik ni Pacquiao ang sarili noong bata siya at salat sa karangyaan.
Pero nangyari ang lahat ng pagpapala dahil sa paniniwala sa Diyos.
“Everything that I have accomplished God gave me strength. I want to be an example to everybody, I want to share this to everyone,” ani ni Pacquiao.
Tiniyak din niya na magiging kapana-panabik ang pinakahihintay na sagupaan dahil tunay na naghanda sila nang husto ni Mayweather.
“I feel excited and have peace of mind. This is one of the biggest fight and it’s a historic fight and I’m ready,” banggit pa ni Pacman.
May pananabik din ang nararamdaman ni Mayweather na hindi gaanong nakitaan ng maangas na pananalita na kung saan siya nakilala.
“I want to thank God because without him, this won’t be possible,” bungad ng 47-0 at walang talong pound-for-pound king.
Sa tapatan nina Mayweather at Pacquiao ay kitang-kita ang diperensiya ng height advantage ng una sa huli upang ipalagay na magiging bentahe niya ito.
Seryoso na tinitigan ni Mayweather ang Pambansang Kamao na tumugon naman na may ngiti sa kanyang labi at relax na relax.
Kinunan ng pahayag si Mayweather sa nakita niya sa mata ni Pacquiao sa kanilang tapatan pero hindi niya sinagot ito ng diretso.
“I can’t really judge him on how he looks because he can come out and fight in a totally different way. We’ll see how everything plays out on Saturday,” ani pa ni Mayweather.
Sa Biyernes ay maghaharap uli ang dalawa para sa weigh-in at sa Sabado ay mangyayari na ang labang sinikap buuin limang taon na ang nakalipas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.