MANANG hihingi po sana ako ng advice.
Kasi po may boyfriend po ako. Kaibigan ko po siya almost three yrs. Three years ang agwat ng age namin. Parang break-balik yung relasyon namin.
May time na gusto kong makipag-break sa kanya pero ayaw niya. Gumagawa siya ng paraan para di kami mag-break. Parang tinatakot niya ako na kung sakaling hiwalayan ko sya ayaw na niyang mabuhay pa. Dahil ako raw yung buhay nya. Manang natatakot po ako.
Ano po ba ang pwede kong gawin kung sakaling i-break ko sya na di na nya ko tatakutin? Sana po matulungan niyo po ako. Thanks.
Jeh-jeh, Iloilo
Hi Jeh-jeh ng Iloilo! Let’s set this straight… Para sa akin, we should stay in a relationship dahil masaya at choice natin ‘yon; hindi dahil natatakot tayo or emotionally manipulated tayo to stay.
Get out of a relationship that does not make you happy or loved. Kausapin mo s’ya nang mahinahon, be direct-to-the-point but be compassionate as well.
Sabihin mo nang maayos kung bakit you want to break up with him. Huwag nang magpaligoy-ligoy. Hindi natin responsibilidad ang actions ng ibang tao sa pagdedesisyon n’ya kung gusto n’yang mabuhay o hindi.
Maybe it’s not all about you. Maraming rason kung bakit may “suicidal tendencies” ang isang tao- maaaring may chemical imbalance s’ya or family history.
If someone blackmails you, ibig lamang sabihin ay hindi stable ang kanyang pag-iisip. Kung sasaktan n’ya ang sarili n’ya, hindi mo iyon kasalanan.
Once you tell him your reasons for breaking up, ipaalam mo sa malalapit na tao sa kanya tulad ng kanyang pamilya or friends ang “threat” niya sa iyo upang magabayan siya.
Huwag kang magpadala sa awa dahil hindi healthy yon. Again, we should stay in a relationship that enriches us as an individual… Be strong, Jeh-jeh… kaya mo yan.
Ang payo ng tropa
Break-balik kamo ang inyong relasyon? At gunagawa siya ng paraan para magkabalikan kayo. Ibig sabihin non ay mahal na mahal ka niya.
Sa sobrang pagmamahal nya sa iyo, nasasabi niya na ayaw niya na mabuhay pa kung mawawala ka.
Wow! Neng ang haba ng hair mo. Pero nakakatakot din yun ganun attitude ng BF mo. Baka there’s something na sa kanyang pagkatao.
Ang puwede mo lang gawin, tanungin mo ang sarili mo kung mahal mo pa rin siya, or kung kaya mo pang tumagal ang relationship niyo o hindi na. Ikaw lang naman din ang makakasagot niyan. The best thing na gawin mo kausapin mo siya at i-open mo talaga yung true feelings mo for him.
Tandaan palagi na ang relasyon ay give and take. Sa oras na naging hindi pantay ang timbangang give and take, tiyak magkakaroon na ng mga tanong at pagdududa.
Oh neng, medyo pinagpawisan ako sa tanong mo, nawa’y may naisagot naman ako sa iyo na tama.
Ate Jenny B.
May problema ka ba sa love life, relasyon sa pamilya o kaibigan, pera o kaya ay sa trabaho, tanungin si Manang at ang tropa at baka sila ay makatulong. I-email ang inyong problema sa bandera.manang @gmail.com o i-text ang MANANG, pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.