Stylist pinagalitan ni Toni dahil sa basang kili-kili
Nagtaray at nagsuplada raw si Toni Gonzaga sa isang stylist.
Naimbiyerna ang hitad nang hindi matuyo ang kanyang damit na may continuity pa naman sa movie na kanyang sino-shooting.
Sa Batanes ang shooting nila. May oras pala ang kuryente roon kaya naman mahirap magpatuyo ng damit lalo pa’t madaling-araw na yata nagtapos ang kanilang shooting.
Napansin ni Toni nang isuot niya ang kanyang damit na medyo basa pa ito sa bandang kili-kili. Immediately, she fumed at nagtaray. Hindi na lang daw kumibo ang pobreng stylist.
Actually, may pagkabastos talaga itong si Toni. We remember one instance when we were interviewing her. Nakaharap kami sa kanya and we were using our tablet to record our interview. Hindi yata feel ni Toni ang i-video ang kanyang interview nang malapitan kaya naman subtly ay hinawi niya ang aming kamay para medyo malayo sa kanya ang kuha.
Magpasalamat siya that we stayed cool at daglian na lang naming tinapos ang interview namin sa kanya dahil kung hindi baka hindi niya kayanin ang gagawin namin.
Actually, katulad ni Toni ay may kagaspangan din ang ugali ng sisteraka niyang si Alex. There was one time na nagpa-make-up ito nang nakahiga during a taping sa TV5. Hirap na hirap ang make-up artist sa paglalagay ng kolorete sa mukha ni Alex dahil nga nakahiga ito.
We felt that Toni and Alex have the same character. Akala mo sweet pero MABANGIS!!!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.