Propesor kay Kris: Ayoko sa kanya. Mayabang, super-bratty! | Bandera

Propesor kay Kris: Ayoko sa kanya. Mayabang, super-bratty!

Cristy Fermin - May 01, 2015 - 03:00 AM

KRIS AT NOYNOY AQUINO

KRIS AT NOYNOY AQUINO

Natural lang para kay Kris Aquino na ipagtanggol naman ang kanyang kuyang pangulo sa sangdamakmak na pangungutya sa pulitiko niyang kapatid.

Parang artista rin kasi ang pulitiko, kumanan at kumaliwa sila ay meron pa ring masisilip na hindi maganda ang ibang tao, para silang tumutulay sa alambre.

Dahil du’n ay aminado si Kris na sobra na siyang nasasaktan, tao lang din naman daw ang kanyang kuya na hindi perpekto, pero ipinagdidiinan ni Kris na hindi magnanakaw ang kanyang kapatid.

Binabalanse ng aktres-TV host ang sitwasyon, kapag sobra-sobrang pang-uupak na ang ibinabato laban sa kanyang kapatid na pangulo ay nagpo-post naman siya ng magagandang katangian at nagagawa ni P-Noy, sa pakiramdam ni Kris ay positibo ang kanyang ginagawa.

Pero hindi niya naiiwasang malagay sa alanganin, marami siyang bashers, at sumasagot siya kapag sa palagay niya’y sobra-sobra na ang panlalait sa kanya.

‘Yun si Kris Aquino. Nilangisan ang kanyang dila, walang garter ang kanyang pananalita, sasabihin niya kung ano ang sa palagay niya ay tama at wala siyang pakialam kung kainisan man siya ng buong mundo.

Komento ng isang kaibigan naming propesor, “May mga panahong gusto ko ang mga sinasabi ni Kris, pero mas maraming pagkakataon na ayoko sa kanya. Self-serving kasi siya, may kayabangan, super-bratty.”

At tanggap ng marami na kundi mo kayang mahalin si Kris Aquino ay kaiinisan mo na lang siya. ‘Yun si Kris Aquino para sa ating lahat.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending