Top 3 target ng Davao sa Palarong Pambansa | Bandera

Top 3 target ng Davao sa Palarong Pambansa

Mike Lee - April 29, 2015 - 03:00 AM

HINDI lamang magpapasikat sa hosting ang Davao del Norte sa 2015 Palarong Pambansa, pupuntiryahin din ng Region 11 team na magtapos sa top 3 overall.
Ito ang sinabi ni Davao del Norte Gov. Rodolfo del Rosario na dumalo sa lingguhang PSA Forum sa Shakey’s Malate kahapon.
“Ang mga manlalaro namin ay walang tigil ang pagsasanay. Ang Region 11 ay tumapos sa seventh place sa Palarong Pambansa sa Laguna. This time, we hope to come out in the top three,” wika ni Del Rosario.
Mga manlalaro mula sa 17 regions ay dadalo upang maging makasaysayan ang kauna-unahang hosing ng Davao del Norte ng Palarong Pambansa na binuhusan ng panahon at malaking pondo.
Ang Davao Del Norte Sports and Cultural Complex sa Tagum City ang siyang main venue at ito ay sinimulang itayo tatlong taon na ang nakakaraan at ginastusan na ng P350 milyon. May karagdagan pang P60 milyon ang inilaan para sa mga soft infrastructure upang mas maging maayos ang mga pasilidad. —Mike Lee

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending