Pagkapanalo ni Maxene sa ‘Your Face’ inireklamo ng netizens | Bandera

Pagkapanalo ni Maxene sa ‘Your Face’ inireklamo ng netizens

Ervin Santiago - April 28, 2015 - 02:00 AM

maxene magalona

Maraming nagreklamo sa pagkakapanalo ni Maxene Magalona sa huling episode ng reality talent show ng ABS-CBN na Your Face Sounds Familiar. Hindi raw deserving ang aktres na maging number one sa last showdown.

Napanood namin ang performance ni Maxene nitong weekend at agree kami sa sinasabi ng iba na hindi tama ang pagbibigay ng points ng tatlong judges sa mga contestants, lalo na kay Maxene.

Para sa amin, kulang pa rin ang naging performance ni Maxene bilang si Francis M, may anggulo siyang kamukha niya ang tatay niya dahil sa make-up niya, pero hindi niya nabigyan ng justice ang kantang “Mga Kababayan” – kaya waley pa rin ang ginawa niyang production number.

Kahit ang mga kasama namin sa bahay at ilang kaibigan sa Facebook at Twitter ay hindi pabor sa pagkakapanalo ni Maxene sa week 7 ng nasabing talent show. Para sa kanila, mas deserving sina Nyoy Volante (bilang si Sylvia La Torre) at Melai Cantiveros (bilang si Rihanna).

Komento pa nga ng isang nagrereklamong viewer, “Feeling ko masyado lang silang na-carried away sa presence ni Francis M on stage. Pinairal nila yung emosyon nila, porket na-miss nila yung tao.

Pero hindi dapat ganu’n, performance pa rin ang pinaglalabanan. Symphathy votes ang nakuha ni Maxene kaya hindi siya deserving.”

Anyway, ido-donate ni Maxene ang napanalunang cash sa Francis Magalona Foundation, “Yung FMF, we aim to find meaning in the Filipino, it’s FMF, and that’s what we want. ‘Yun ‘yung talagang legacy ni Papa.”

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending