‘Ipagdasal natin na maipanalo ang laban at walang mangyayaring masama kay Pacquiao!’ | Bandera

‘Ipagdasal natin na maipanalo ang laban at walang mangyayaring masama kay Pacquiao!’

Cristy Fermin - April 25, 2015 - 02:00 AM

manny pacquiao

Kinasasabikan na ng ating mga kababayan ang pakikipagsalpukan ng ating Pambansang Kamao kay Floyd Mayweather, Jr. sa darating na Linggo nang tanghali (Sabado sa Amerika).

Ibang klase talaga ang karisma ni Pacman, kahit mga banyaga ay nasa kanya ang suporta, pinagkakaguluhan siya palagi sa Wild Card Gym at inaabangan naman sa kanyang pagdya-jogging sa Griffith Park sa LA.

Bukod kasi sa napakamapagkumbaba na ang kampeong boksingero ay may pagkakomedyante pa siya, kayang-kaya niyang dalhin ang kahit anong sitwasyon, hindi siya pikon at lalong hindi mo maaasahang magsalita nang laban kahit kanino.

Nagtagumpay na rin sa wakas ang aming kaibigang matagal nang naninirahan sa Amerika, sa sobrang kahigpitan ni Coach Freddie Roach ay hindi sila makapasok sa Wild Card Gym, kaya ang ginawa ni Tita Jojie ay inabangan na lang nilang magkakaibigan ang pagparada ng sasakyan ni Manny Pacquiao sa Griffith Park.

“Panalo! Nagkaroon na kami ng chance na makausap si Pacman, nakapagpa-picture pa kami sa kanya! ‘Yung suot na t-shirt ng isang friend ko, itatago na niya ngayon ‘yun, dahil pinapirmahan niya kay Pacman!” masayang balita ni Tita Jojie.

Maluwag na naman ang kalye sa Linggo, pati ang mga mandurukot ay mangingilin din, ganu’n katutok ang buong sambayanang Pilipino sa suporta at pagmamahal kay Pacman!

Ipagdasal po natin na sana’y walang anumang masamang mangyari sa Pambansang Kamao at siyempre’y mabigyan sana siya ng lakas na mabigyan ng magandang laban si Mayweather para maiuwi niya ang karangalan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending