Sinisingil kahit walang suplay ng tubig | Bandera

Sinisingil kahit walang suplay ng tubig

Liza Soriano - April 25, 2015 - 03:00 AM

HI Sir/Ma’am,
Nabasa ko po ang isang article tungkol sa agaran ninyong aksyon tungkol sa problema sa tubig ng DECA Homes Subdivision, Loma de Gato Marilao Bulacan: https://bandera.inquirer.net/70107/pasalamat-sa-aksyon-line

Sa mga nakalipas na buwan, naiintindihan po namin na maaring nahirapan ang MARWADIS na mag-supply ng tubig sa aming lugar, lalo na sa mga matataas na pwesto na tulad sa amin.

May mga scheduled days and allocated hours po talaga kada isang phase para sa supply ng tubig. Pero, sa part ko po at sa pwesto ng bahay namin, hindi umaabot ang tubig. Ito po ay inireport na namin sa opisina ng MARWADIS noong nakaraang buwan at sinabe nila na dahil ito sa mataas ang location ng bahay namin at nahihirapan ang tubig umakyat.

Hindi po ba unfair na yun lang ang sinabi nila? Wala man lang aksyon? Pwede naman lakasan nila ang bukas ng tubig para makaabot sa mataas na lugar.

Napapansin ko po na merong normal na supply ng tubig ang mga bahay na nasa mababang pwesto, Pero hindi ito dahilan para magpatuloy kaming magbayad ng monthly bill ng walang nakukuhang tubig.

Ako po ay nagtratrabaho araw araw, pag walang tao sa bahay, iniiwan kong bukas ang gripo para makaipon ng tubig, Pero, ni isang patak eh walang dumating. Pinagbigyan ko po sila ng ilang buwan. May minimum fee po ang 1st 10 cubics ng tubig nila,

Sa unang 2 buwan ko na bill, 2 and 3 cubics lang po ang nakonsumo ko ayon sa reading nila.

Kahit pa wala akong tubig at hangin lang gawa ng pressure pag nakabukas ang gripo yun ang nabasa nila, nagbayad pa rin ako.

Ngayon, meron na naman akong bill na late dumating, with penalties pa dahil lampas due date na daw.

Sa ngayon po, halos 2 weeks na akong walang tubig. Kahit yung mga kadikit kong bahay, wala rin nakukuha, siguro nga po dahil mataas ang lokasyon namin. Pero di po katanggap tanggap na ganun na lang ang sagot nila at wala silang ginawa paramaayos ang problema.

Naireport na ito sa kanila pero balewala lang. Kahit naman sinong tao, magagalit kapag ganito ang sistema. Nang nagkaroon ng meeting bago sila magtake over sa DECA Homes, sinabi nila na magbibigay sila ng maayos na supply ng tubig, hindi man araw araw, pero maayuos. Mayroon pa po kaming bi-nabayaraan na 1500/6 payments for connection daw ng tubig, eh asan nga po ung tubig di ba?

Ako po ay lubos na nagpapasalamat sa kahit anong tulong na maari ninyong ibigay sa amin. Di lang po ako ang apektado, buong Saint Barbara Phase po ng Deca Homes.

Attached here is a copy of my email to MARWADIS:
Marianne Mado

REPLY: Tinatawagan po namin ng pansin ang inirereklamong Marwadis. Bukas po ang Aksyon Line para sa inyong katugunan sa reklamong inihain sa amin Bb. Marianne Mado.

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected], [email protected] or [email protected].
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending