Binay nanawagan na ng dasal matapos ilipat si Mary Jane Veloso sa execution island | Bandera

Binay nanawagan na ng dasal matapos ilipat si Mary Jane Veloso sa execution island

- April 24, 2015 - 02:15 PM

Ang armored car kung saan pinaniniwalaang nakasakay si Mary Jane Veloso

Ang armored car kung saan pinaniniwalaang nakasakay si Mary Jane Veloso

MULING nanawagan ng dasal si Vice President Jejomar Binay para sa Pinay na si Mary Jane Veloso matapos siyang ilipat sa island prison kung saan inaasahang isasagawa ang kanyang pagbitay.

Ito’y matapos kumpirmahin ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nailipat na nga si Veloso sa Nusakambangan. Isinasailalim sa firing squad ang mga nasisintensiyahan ng bitay sa Indonesia.

“Indonesian government has ordered all prisoners up for execution with or without pending appeals to be transferred to the island including Mary Jane Veloso,” sabi ni Foreign Affairs spokesman Charles Jose.

Kasabay nito, nanawagan si Binay sa Indonesia na ikonsidera ang apela ng Pilipinas para maisalba ang buhay ni Veloso.

Sa sulat ni Binay kay Indonesian Vice President Jusuf Kalla sa kanilang pulong sa Jakarta noong Miyerkules, hiningi ni Binay ang awa ng bise presidente upang iurong ang parusa.

“She comes from a humble background and attained only a basic education. She is also a single mother of two sons. She became the target of a neighbour by the name of Maria Cristina Sergio, who offered her work as a household worker in Kuala Lumpur, Malaysia,” sabi ni Binay.

Iginiit ni Binay na biktima lamang si Veloso ng drug trafficking at hindi nito alam na may lamang heroin ang kanyang bagahe noong siya ay patungong Indonesia.

Tiniyak din ni Binay na papanagutin ang recruiter na umano’y nanloko kay Veloso. Aniya. naghain na rin ng kaso ng kasong human trafficking ang National Bureau of Investigation (NBI) laban kay Sergio at sa iba pang mga sangkot.

Siniguro rin ni Binay kay Kalla na igagalang ng Pilipinas ang anumang maging pasya ng Indonesia. (Nina Faye Seva)

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending