‘Pagtakbong pangulo ni Pacman sa 2016 isang malaking kalokohan!!!’
NAKAKALOKA at nakakabaliw ang mga kadramahan ng mga blinded fans ng Boxing Champ nating si Manny Pacquiao sa Amerika. May mga nagpagawa pa raw ng banners and streamers kung saan nakalagay ang “Pacquiao For President”.
Obviously, they are referring to pushing Pacquiao to run for presidency sa nalalapit na eleksiyon. Mga baliw, di ba?
Paanong magagampanan ni Pacquiao ang presidency sa bansa natin eh, sa pagiging kongresista nga ay wala na siyang oras dahil nilamon na ng boxing ang kaniyang buong buhay. Isa siya sa may pinakamaraming absent sa mga session sa kongreso, di ba?
Ang ikinakatwiran niya ay dahil sa legitimate naman daw ang pag-absent niya dahil sa kaniyang training at boxing matches.
Ang mahalaga raw ay tumutulong siya sa kanyang mga constituent.
Wait lang – mali naman yata iyon. Iba yung pagiging matulungin kung totoo ngang tumutulong siya nang walang nakatutok na cameras. Iba naman ang working as an elected official – being a congressman, kailangan mong gumawa ng mga batas para mapakinabangan ng bansa mo. You cannot embrace both professions kung hindi kaya ng schedules mo.
Tapos, heto’t napapabalitang he is running for president? For sure, dala ng kabulagan ng mga kababayan nating Pinoy, tiyak na mananalo talaga iyan kasi nga sobrang sikat at napakaraming mahilig sa boksing. Pero mind you ha, huwag kayong rerekla-reklamo pag nagutom kayo at lalong mahirapan sa buhay kung katulad ni Pacquiao ang ilalagay ninyo sa posisyon. Walang sisihan sa paghihirap ng buhay ninyo ha, kasi masyado kayong nagpapadala sa mga ka-cheapang desisyon.
Hindi na kasalanan ni Pacquiao iyan kung iboboto niyo pa rin siya, hindi naman siya ang may hawak ng balota ninyo. Basta ganoon lang ang deal dapat – pag naghirap kayo dahil sa mga maling choices ninyo sa election, kayo na ang dapat sisihin at hindi ang pamahalaan.
Natawa talaga ako sa lumabas na balitang he is being pushed to run for president. Mga boba, di ba? WTF! Kakaloka! Alam ba nila ang pinaggagawa nila? Is the country a huge boxing rink? It may sound like they’re just joking or sobrang fanaticism caused by their crooked thoughts, pero, wow ha! Naisip pa nilang patakbuhin si Pacquiao sa panguluhan!?
Anyway, good luck na lang sa boxing career ni Pacquiao. Sana ay i-assign na lang siyang head ng Philippine Sports Committee at huwag nang tumakbo sa politics. Dito ay meron siyang mas magagawa pa para makatulong sa sports department ng Pilipinas.
He can train good athletes sa Olympics kaysa nakaupo sa gobyerno at hindi naman nakakapag-perform ng duties niya bilang elected government official. Kasi pag siya ang head ng Sports Committee ng bansa, puwede pa niyang magamit ang ilang porsiyento ng kita niya para mas lalong patatagin ang pangalan ng bansa sa sports map – hindi lang sa boxing, kahit saang field, di ba?
Since hindi naman nagbibigay ng sapat na budget ang pamahalaan sa ating sportsmen, here is Pacquiao na may kapasidad. Sana ganoon na lang.
Huwag nang gamitin ang mga mahihinang utak na mga kababayan nating pilit siyang pinatatakbo for higher position. It looks stupid of us.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.