Bagets na dyowa ni AI AI galante, hindi huthutero | Bandera

Bagets na dyowa ni AI AI galante, hindi huthutero

- June 16, 2012 - 03:27 PM

‘Masarap ‘yung ikaw naman ang ginagastusan ng lalaki, di ba?’ – Ai Ai

NAKAKATUWA naman dahil mukhang kasama na sa priorities ng mahal naming BFF na si Ms. Ai Ai delas Alas ang kasalukuyan niyang boyfriend na super guwapo at sobrang lakas ng sex appeal.

Of course, na-meet ko na twice ang bagong papa ni kafatid na Ai Ai and he’s very charming.
Mabait at siyang masarap kausap.

Walang yabang kahit mayaman and take note, bagets and yummy, ha! Kaya sabi ng mga baklita, suwerte raw si kafatid na Ai Ai dahil nakabingwit ng bata at madahtung.

“Mahirap maghanap ng papa, di ba? Marami diyan pero ikaw ang gagastos.

Masarap yatang magkaroon ng papa na hindi ka naglalabas ng pera pag lumalabas kayo!

Ganu’n ‘yun! Ha-hahaha!” biro ni Ai Ai.

Kasi naman, de buena naman itong si new papa. May-ari ng Kia Motors sa Alabang kaya hindi kailangang mangharbat ng pera sa karelasyon.

In fairness to the guy, masipag sa work niya. Hands-on sa negosyo.

In fact, ngayong araw na ito ay nakababad siya sa opisina nila dahil meron silang Kia Service Family Day from 8 a.m. to 5 p.m. today kung saan ang mga Kia cars ay merong libreng car check-up at mamimigay din sila ng freebies sa mga magpapaayos.

“In the name of love, natural na pupunta ako du’n, ‘no! Pero hindi ako maglilinis ng mga sasakyan, ano ka ba?

As the girl of the owner, natural na suporta ako ng 1000%.

Ikaw kaya, magkaroon ka ng papa na napakabait at mapagmahal, anong gagawin mo? Kaya gow ang bakla,” ani Ai Ai.

Oo naman, hindi ko ma-imagine na nasa ilalim ng kotse si Ai Ai na naglilinis ng mga cars ng mga nagpapagawa.

Ha-hahaha! Ano iyan, pelikula at role ng mekanika?

Well, basta ang wish lang namin, asna’y ito na nga ang lalaking makakasama ni Ai Ai for the rest of her life.

“Ayoko na lang magsalita nang patapos. I-enjoy ko na lang muna ito habang fresh pa.

Kung siya na nga ang sagot sa mga dasal ko, so be it pero kung one day ay lumihis na naman ang landas ko, kebs! Haharapin ko nang buong puso.

Pero tulungan mo naman akong mag-pray na siya na nga,” pahabol pa ni Ai Ai.

In fairness to the guy, hindi siya naiilang tuwing magkasama sila ni Ai Ai in public.

Hindi siya ‘yung tipong nangingilag pero hindi naman siya “public”.

He is very decent and tahimik lang pag di mo kausapin.

Hindi siya mapapel. Basta makikita mo’t mararamdaman na mahal niya si Ai Ai at nirerespeto.

Obvious  that they are in love. Kaya nga nakakainggit ang haba ng hair ng BFF natin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kami kaya? Any takers? Yung free, ha. Ha-haha!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending