Birthday wish ni Mommy D: manalo si Pacquiao sa kanyang laban kontra Mayweather
SINABI ni Mommy Dionisia Pacquiao na hindi siya kinakabahan sa nalalapit na laban ng anak na si Manny Pacquiao.
“Wala, wala basta wala akong kaba.Pati mga pastor sinasabi ko sa kanila wag kayong matatakot.Basta strong ka lang wag kang mag-kumpiyansa. Ang kumpiyansa wag iiral sa ulo. Kailangan palaging nag-iingat. Bantay ng todo,” sabi ni Mommy D.
Idinagdag ni Mommy D hiniling niya sa Diyos na manalo si Pacqiuao bilang regalo sa kanyang ika-66 na kaarawan, 13 araw pagkatapos ng laban.
Idinagdag ni Mommy D na kayang-kayang kontrolin ni Pacquiao ang laban nila ni Mayweather.
Agad namang umalis si Mommy D pagkatapos ng panayam sa kanya, kasama ang kanyang kasintahan na si Michael Yamson sakay ng grey Honda Accord.
“Pasyal lang kami sa mall. Kasi si honey first time dito.” ani Mommy Dionisia. (John Michael Tamayo)
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending