Lagot ka Enrique: Liza Soberano balak dyowain ng mga iskul boys
KAPAG tinanong mo ang mga school boys ngayon kung sino sa mga teen actress natin sa local showbiz ang gusto nilang ligawan at maging girlfriend – ang isasagot nila ay si Liza Soberano.
In fairness, bukod kay Teen Queen Kathryn Bernardo, si Liza na ang masasabi naming next important star ng ABS-CBN dahil nga sa tagumpay na tinatamasa ng serye nila ni Enrique Gil sa Primetime Bida na Forevermore.
Patuloy na humahataw sa ratings game ang Forevermore at habang tumatagal ay mas lalo pang dumarami ang naaadik sa love story nina Xander (Enrique) at Agnes (Liza).
E, kasi nga, bawat gabi ay pinakikilig at pinasasaya ng serye ang madlang pipol, hindi rin daw mabigat sa dibdib ang kuwento kaya pagkatapos manood ay magaan lang ang feeling ng viewers.
At agree kami sa mga komento ng nakakausap naming gabi-gabing tumututok sa Forevermore, lahat ng artistang kasali sa serye ay magagaling – walang OA at wala kang kaiinisan.
Kahit nga ang mga nagkokontrabidang sina Lilet at Marissa Delgado ay hindi mo kabubwisitan dahil maiintindihan mo kung saan nanggagaling ang kanilang pinaggagagawa sa buhay.
At siyempre, patuloy pa ring pinaliligaya nina Xander at Agnes ang mga manonood sa kanilang kilig moments. Sey nga ng ilang loyal fans ng dalawa, mukhang nahulog na nang tuluyan ang damdamin ni Liza kay Enrique sa tunay na buhay dahil kitang-kita raw nila ito sa mga eksena nila sa Forevermore.
Sa pagpapatuloy ng kuwento, abangan kung tuluyan na nga bang matatanggap ng pamilya ni Xander ang pagmamahalan nila ni Agnes.
Lingid kasi sa kaalaman ng dalawa, pinagpaplanuhan na ng pamilya Grande kung tutulungan na ba nila ang binata para magkabalikan na sila ni Agnes.
Sabi nga ng isang loyal viewer ng serye, “And hope this starts the XaGnes moments na super nakaka miss. Galing abs cbn and whole team forevermore napaka ganda ng story mahusay ang mga artista at roller coaster ride gabi gabi ang emosyon dahil mahirap mahulaan ang susunod na episode.
“Ang sarap panoodin very light at complete at busog sa learnings gabi gabi napaka totoo at natural kaya ramdam ang bawat eksena at linya…more forevermore di lang basta teleserye forevermore is an INSPIRATION to many and that in reality no matter what true love wins!” sabi pa nito.
Napapanood pa rin ang Forevermore sa Primetime Bida pagkatapos ng Nathaniel sa ABS-CBN. Kasama pa rin dito sina Joey Marquez, Irma Adlawan, Zoren Legaspi, Diego Loyzaga at marami pang iba.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.