DALAWANG babae ang pinatay nang magkasunod sa apat na araw sa lala-wigan ng Batangas ng mga armadong lalaki na nakasakay sa motorsiklo.
Si Melinda “Mei” Magsino, 40, dating correspondent ng INQUIRER, sister publication ng Bandera, at online journalist, ay binaril sa ulo sa Batangas City noong Lunes habang naglalakad galing ng kanyang bahay patungo sa kanyang health clinic.
Ang salarin ay tumakas sakay ng isang motorsiklo na minamaneho ng ibang lalaki.
Si Ramona Tarnate, 44, ay binaril nang malapitan noong Huwebes ng gabi sa bayan ng Nasugbu habang siya ay nagmamaneho ng motorsiklo angkas ang kanyang 16-anyos na anak upang bumili ng hapunan nilang mag-anak.
Gaya ni Magsino, ang pumatay kay Tarnate ay nakasakay ng motorsiklo na minamaneho ng ibang lalaki.
Si Magsino ay isang matapang na journalist na nagkaroon ng maraming kalaban dahil sa kanyang mga exposes ng katiwalian sa gobyerno sa Batangas.
Sa kabilang dako, si Tarnate ay isang simpleng empleyada ng munisipyo ng Nasugbu na sumisigaw ng hustisya sa panghahalay sa kanya diumano ng isang opisyal ng kanilang bayan.
Iisa lang ang kalaban ni Ramona—si Councilor Wilfredo Limboc na kanyang sinampahan ng demanda sa korte.
Ang aking public service program sa radyo DWIZ, Isumbong mo kay Tulfo, ay tumulong na maisampa ang rape case laban kay Limboc na ngayon ay nakapiit sa Nasugbu municipal jail.
Nagsumbong ang
pobreng babae sa panghihimasok ng judge na may hawak ng kaso; kinukumbinsi raw siya ng judge na iurong ang kaso.
Pinakikiusapan din daw siya ng kanyang ka-patid na lalaki na iurong na ang kaso laban sa konsehal.
Sinabi ng kanyang kapatid na may banta sa kanyang buhay at sa buhay ng iba pang miyembro ng pamilya kapag di niya inatras ang kaso.
Alam n’yo, mga giliw na nagbabasa, sinabi sa amin ni Tarnate, isang single mother, na hindi sana siya nagreklamo dahil sa kahihiyan sa kanyang mga kababayan sa Nasugbu.
Siya raw ay nahawaan ng sakit sa babae ni Councilor Limboc at nang nilapitan niya ito upang humingi ng pambili ng gamot sa kanyang karamdaman, hindi siya pinansin nito.
Sinabi ni Jovito Barte, na kanyang abogado na siyang nagdala kay Ramona sa akin, na mapapalaya na si Limboc dahil wala nang complainant sa kaso.
Napatay si Ramona habang sumisigaw ng katarungan.
Sinabi ni Congressman Edgar Erice ng Caloocan City , chairman ng political affairs ng
Liberal Party, na ang susunod na pangulo ay dapat may “integridad, kakayahan at karanasan.”
Hindi man tinutukoy ni Erice si Davao City Mayor Rody Duterte, siya ang tugma sa deskrip-syon: integrity, competence at experience in governance.
Hindi naireklamo si Duterte ng pangungurakot habang siya ay ma-yor ng pinakaprogresibo at pinakamatahimik na siyudad sa Mindanao ng mahigit dalawang dekada.
Maaaring si Duterte ay pangatlo sa ranking sa latest survey (pantay sila ni Interior Secretary Mar Roxas), pero tingnan n’yo ang mga resulta ng surveys sa mga darating na araw kapag siya’y nagdeklara na na siya’y tatakbo.
Si Vice President Jojo Binay ay nangunguna pa rin sa survey at si Sen. Grace Poe ay malapit na siyang mapantayan.
Si Manny Pinol, da-ting journalist, dating provincial governor at political analyst, ay nagsabi na mas mataas pa sana ang nakuha ni Duterte sa latest survey kung natitiyak na ng mga respondents na siya’y tatakbo sa pagkapangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.