Vice tinawag na adik ang naninira sa kanila ni Kris
Ambet Nabus - Bandera April 18, 2015 - 12:00 AM
May nabasa kaming reaksiyon ni Vice Ganda sa isyu na diumano’y may silent war sila ng kanyang “asawang” si Kris Aquino. Mariin niya itong pinabulaanan at sinabihan pang adik ang nagpakalat ng nasabing balita.
Hindi raw niya alam kung kaninong adik nanggaling ang tsismis pero napaka-cheap daw ng isyu. Ayon pa sa komedyante, “nakakadiri” raw ang balita dahil imposibleng mag-away sila ni Kris nang dahil lang sa katsipang t-shirt tulad ng mga nababalita.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending