Nagseselos sa ka-textmate ni mister
Sulat mula kay Laarnnie ng Lapasan,
Cagayan de Oro City
Dear Sir Greenfield,
Nahuli ko pong may textmate na babae ang mister ko. Nang pinagsabihan ko siya, sabi niya ay kaibigan lang daw niya ang ka-text mate niya. Pero sa nabasa ko sa message nila nagsasabihin na sila ng “I love you” at muwaaaahhh. Kaya sa ngayon nagseselos ako at gusto ko silang hulihin sa akto. Ano po ba ang dapat kong gawin para mahuli ko sila at may posibilidad ba na magkahiwalay kaming mag-sawa. Sa ngayon, pinapangibabawan talaga ako ng selos at pag-aalala, sana matungan n’yo po akong mapanumbalik ko ang dating pagmamahal sa akin ng mister ko? September 11, 1989 ang birthday ko at May 7, 1988 naman ang birthday ng mister ko.
Umaasa,
Laarnie ng Cagayan de Oro City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Kahit na pinaghihinalaan mong may textmate ang iyong mister ay hindi ka dapat mag-aalala, Laarnie, sapagkat iisa lang naman ang malinaw at magandang Marriage Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ito ay tanda na kahit na mambabae ang iyong mister o kahit na may textmate pa siya, sa bandang huli, wala rin siyang magagawa sa itinakda ng kapalaran – mananatiling buo ang inyong pamilya at kayo pa rin ang magsasama habambuhay.
Cartomancy:
Ang mga baraha ang nagsasabing pansamantala lamang ang nararanasan mong problema sa kasalukuyan dahil sa buwan ng Hulyo, ang barahang Jack of Spades, Seven of Hearts at King of Hearts ang nagsasabing sa nasabing panahon ay kusa ring mawawala na ang ka-text mate ni mister hanggang bumalik uli sa dati ang masaya at masarap ninypng pagsusuyuan.
Itutuloy
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.