Napupunto si Jayson Castro | Bandera

Napupunto si Jayson Castro

Barry Pascua - April 17, 2015 - 12:00 AM

KUMBAGA sa karera ng kabayo, parang napupunto si Jayson Castro ngayon. Para bang nakalaan sa kanya ang Most Valuable Player award sa katapusan ng 40th season ng PBA.

Kumbaga, ‘it’s his for the taking!”

Sa totoo lang, napakalaking motivating factor para kay Castro ang pangyayaring naisama siya sa 15 manlalarong idinagdag sa  Greatest PBA Players na pinarangalan noong Abril 8 sa Resorts World.

Maraming nagtatanong kung bakit daw isinama si Castro gayung hindi pa naman siya nagwawagi bilang MVP.
Actually, marami namang mga manlalarong kasali sa 40 PBA Greatest Players na hindi nagwagi ng MVP award hanggang sa sila ay tuluyang nagretiro sa paglalaro.

Ang pagiging MVP ay isa lamang sa criteria ng pagpili ng mga honorees. Kung panay MVP lang ang pipiliin, hindi tayo aabot sa 40 Greatest. Kasi may mga manlalarong higit sa isang beses nagwagi bilang MVP. Sina Ramon Fernandez at Alvin Patrimonio ay apat na beses na nanalo bilang MVP. Tatlong beses si William “Bogs” Adornado.

Kaya napasama si Castro sa 40 Greatest PBA Players ay dahil sa nahirang siyang miyembro ng Mythical Five ng FIBA Asia Men’s Basketball Championship na ginanap sa Maynila noong 2013. Inokupa niya ang posisyon ng point guard.

Ibig sabihin, si Castro ang pinakamagaling na point guard sa Asia. Hindi ba’t napakalaking karangalan iyon hindi lang para kay Castro at sa PBA kundi para sa sambayanang Pilipino? Hindi ba iyon sapat na dahilan para ibilang siya sa Greatest PBA Players?

Pero siyempre, sa isipan ni Castro, nais niyang patahimikin ang mga kritiko. Kung ang hinahanap sa kanya ay maging MVP sa isang season, e di susubukin niyang mapanalunan ito.

At ang taong ito ang pinakamagandang tsansa para makumpleto niya ang kanyang pangarap.

Actually, ilang beses na rin namang naging kandidato si Castro para sa MVP award pero natalo. Pero ngayon, si Castro ang siyang frontunner sa labanan para sa MVP award.

Kalaban niyang mahigpit si Paul Lee ng Rain or Shine.

Well, maganda ang duwelong ito dahil sila ang main locals ng Talk ‘N Text at Rain or Shine na nagduduwelo para sa kampeonato ng PBA Commissioner’s Cup.

Kitang-kita ang halaga ng dalawang manlalarong ito lalung-lalo na sa semifinal round kung saan naidispatsa nila ang magkahiwalay na karibal.

Pero siyempre, mas napabilib ni Castro ang karamihan dahil sa mas matindi ang kanilang nakatapat sa semis.

Nakaharap nila ang defending champion Purefoods Star na tinalo nila sa huling tatlong laro matapos na yumuko sila sa Game One.

At sa huling tatlong laro, si Castro ang bumuhat sa Tropang Texters at naparangalan bilang Best Player ng mga larong iyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kung mabubuhat niya ang Talk ‘N Text tungo sa kampeonato, malamang na makamit nga niya ang MVP award sa dulo ng season.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending