GUSTO ko lang po humingi ng advice. Ako po si Jacqueline, pero tawagin n’yo na lang po akong Lyn. Fifteen years old po ako at nakatira sa Daraga, Albay.
May kaibigan po akong itinuturing kong bestfriend. Pero lumalapit lang po siya pag may kailangan o may problema siya. Kapag wala po at kapag tinatawagan ko po siya ay palagi niya po akong dinededma. Kapag may nanliligaw sa akin, dumidikit na naman siya sa akin. Kailangan ko po bang ituring siyang kaibigan o bestfriend?.
Jacqueline
Daraga, Albay
Hello Lyn! Marhay na aldaw sa iyo, sweetie. Matagal mo na bang kakilala si “best friend”? Ganito ba palagi ang pakikipag-ugnayan niya sa iyo?
Kung ako ang tatanungin, ang “friendship” ay isang bagay na ibinibigay natin nang kusa sa iba. We need to be a “friend” to have a friend.
Kung sa pakiramdam mo ay one-sided ang friendship n’yo at feeling mo ay mas madalas kang “friend” sa kanya kaysa sa siya sa iyo then why not talk to her?
Let her know how you feel bago mo pagdesisyunan kung kaibigan ba siya o hindi… Pwede mong simulan sa pagtatanong kung ikaw ba ay itinuturing niyang kaibigan or bestfriend?
I don’t see anything wrong with that, if you ask me. If she says, yes, then gently tell her your concerns. Kung sagot naman niya ay no, then you know where you stand, ‘di ba?
After you’ve told her how you feel at wala siyang ginawang pagbabago then consider looking for friendship elsewhere. Don’t feel bad about losing someone who does not see your worth.
Ang maayos na kaibigan o mga kaibigan ay foundation ng isang masayang buhay… So more good friends, better life, ika nga.
Ang payo ng tropa:
Hello Lyn, alam mo may kaibigan din ako ang pangalan ay Lyn, pero ibang-iba sa ugali ng kaibigan mo. Para sa akin, siya ay isang tunay na kaibigan.
Tunay na kaibigan ba kamo? Sa tunay na kaibigan mo naikukuwento ang mga personal na nangyayari sa buhay mo na walang halong kaplastikan.
Mahirap makahanap ng tunay na kaibigan or bestfriend, dapat may respeto at pagmamahal kayo sa isa’t isa. Parang mag-BF lang.
Ganito ang gawin mo girl, kausapin mo ng one-on-one ang bestfriend mo, sabihin mo sa kanya ‘yung totoong feelings na nasasaktan ka na sa ginagawa niya, para malaman niya. Walang masama sa pagiging prangka. Ok?!
Ate Jenny
Hello Jacqueline,
Kasama, katulong at sandalan through the good times and the bad— ‘yan ang definition ng friendship para sa karamihan.
Ang tunay na friendship ay isang healthy two-way relationship. Kailangan mo siya, most of the time ay nandyan siya for you; kailangan ka niya, most of the time ay nandyan ka rin for him/her.
Kapatid, oras na para i-check mo ang foundation ng pagkakaibigan n’yo. By doing that, malalaman mo kung itong itinuturing mong best friend mo ay talagang kaibigan mo nga o ginagamit ka lang sa oras ng kanyang pangangaila-ngan.
Mag-ingat at alamin kung sino-sino ang mga tunay mong kaibigan. Take care, Jacqueline.
Moby Aragones
Digital Manager
Hinge Inquirer
Publications
May problema ka ba sa love life, relasyon sa pamilya o kaibigan, pera o kaya ay sa trabaho, tanungin si Manang at ang tropa at baka sila ay makatulong. I-email ang inyong problema sa bandera.manang @gmail.com o i-text ang MANANG, pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.