Sa taong ito ng 2015 makapag-aabroad | Bandera

Sa taong ito ng 2015 makapag-aabroad

Joseph Greenfield - April 15, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula Analyn ng  Malitbog, New, Corella, Davao del Norte

Dear Sir Greenfield,

Naisipan ko pong mag-aplay sa abroad dahil ito na lang ang alam kong paraan para maiahon sa kahirapan ang aming pamilya. Ako po kasi ang panganay sa aming pitong magkakapatid. Kasama ko naman sa pag-aaplay ang pinsan at bestfriend kong si Arlene kaya safe naman kami kahit na D.H. lang ang aplay namin.
Itatanong ko lang kung matutuloy po ba kami, kasi sa ngayon ay malaki-laki na rin ang nagagastos namin sa mga papeles at pamasahe.
Balak na nga naming mag-give up, pero sabi naman sa akin ng mga magulang ko ay ituloy ko lang daw dahil baka nasa ibang bansa ang aking suwerte. Ano sa palagay n’yo, Sir Greenfield, makapag-aabroad kaya ako sa taong ito ng 2015 at kapag nasa abroad na ako, susuwertehin kaya ako doon? April 28, 1987 ang birthday ko.

Umaasa,
Analyn ng Davao
del Norte
Solusyon/Analysis:
Palmistry:

May malinaw at malawak na Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Malinaw na tanda na basta’t ituloy mo lang ang pagsisikap na makapangibang bansa, tiyak ang magaganap. Darating ang takdang panahong itatala ang isang mabunga at mabiyayang pag-aabroad sa iyong karanasan.

Cartomancy:

Ace of Hearts, Nine of Diamonds at Seven of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa buwan ng Hulyo o kaya ay Setyembre, tiyak ang magaganap, matutuloy na ang matagal n’yo nang nilalakad at inaayos na pag-aabroad ng pinsan mo.
Itutuloy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending