JESSICA nagmaldita, di raw feel maging pinoy? | Bandera

JESSICA nagmaldita, di raw feel maging pinoy?

- June 09, 2012 - 04:26 PM

Kaya raw dinedma si Manny Pacquiao at kumampi kay Bradley

Talagang hindi nawawala ang mga intriga at kontrobersiya sa mga laban ni Manny Pacquiao, ‘no!?

Mainit kasing pinag-uusapan ngayon ang pagkanta ni American Idol runner-up Jessica Sanchez ng national anthem ng Amerika sa laban nina Pacman at Bradley bukas.

Very open kasi noon si Pacman sa pagsasabing gusto niyang kunin si Jessica para kumanta ng “Lupang Hinirang” sa boxing match nila ni Bradley, pero ang nangyari nga ay parang sa kalaban pa kumampi si Jessica.

At ‘yan ang dahilan kung bakit inuulan ng batikos at panglalait ang Fil-Mexican singer.

Okay lang daw sana kung siya ang nanalo sa American Idol, maiintindahan ng mga Pinoy ang “pagkampi” niya kay Bradley, pero talunan naman daw siya kaya sana raw ay kay Pacman na siya sumanib.May mga nagsabi pa na baka raw totoo ang nababalitaan nila na hindi naman daw talaga feel ni Jessica ang pagiging Pinoy niya at nagpakaplastik lang siya noon sa pagsasabing proud din siya na meron siyang dugong Filipino.

May tsismis din na sa tunay na buhay ay maldita daw si Jessica. Well, bahala na kayong manghusga kay Jessica.

Anyway, sa gitna ng mga isyung ito, live na live pa ring mapapanood ang Manny Many Prizes tonight dahil excited na ang lahat para sa laban ni Ninong!

Kaya naman ang buong tropa, matindi ang ginagawang paghahanda!

May maagang balato si Ninong para sa lucky homeviewers.

Kaya lahat ay iniimbitahang manood, tumutok at sumali sa palaro ni Ninong.

Kung paano mananalo, si Ninong mismo ang magsasabi.

Pati ang mga kumpare niya, dadayo para sumuporta at magpalaganap ng saya! Kakaibang banat ang gagawin nina Ogie Alcasid, Dennis Trillo at Glaiza de Castro sa mga sikat na kanta ni Ninong Manny.

Patutunayan naman ng mga contestants ng Boksing-a-long na ang galing ng Pinoy, hindi natatapos sa loob ng boxing ring!

Maghahanap sina Pekto, Candy, Bea Binene at Lexi Fernandez ng mga isasabak sa matinding kantahan.

Susugod rin ang reigning and undisputed pickupista na si Boy Pick Up kasama ang anghel ng buhay niyang si Solenn Heussaff!

Bibisita rin sina Roderick Paulate at Heart Evangelista para makipagkulitan sa mga sasabak sa Easy Manny Elimination Round.

Dapat ninyo ring abangan ang Easy Manny Jackpot Round, dahil si Ninong, may inihandang isang malaking malaking sorpresa.

Kilalanin din natin ang batang si Roselyn, 14 years old at tubong Samar.

Ipinanganak si Roselyn na putol ang kanang paa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Abangan ang buong istorya ng buhay ni Roselyn at ang mga inihandang regalo para sa kanya ni Ninong.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending