Pinakamababang net satisfaction rating ni VP Binay naitala | Bandera

Pinakamababang net satisfaction rating ni VP Binay naitala

Leifbilly Begas - April 13, 2015 - 02:54 PM

Binay

Binay

Sa ika-apat na pagkakataon ay muling bumaba ang net satisfaction rating ni Vice President Jejomar Binay sa gitna ng mga imbestigasyon kaugnay ng kinasasangkutan umano nitong katiwalian.
Mula sa 44 porsyento noong Disyembre ang rating ni Binay ay bumaba sa 31 porsyento (58 porsyentong satisfied, 28 dissatisfied at 14 undecided).
Ito ang pinakamababang net satisfaction rating ni Binay mula noong 2010. Ang kanyang pinakamataas ay 76 porsyento na naitala noong Agosto 2012 at Hunyo 2013.
Nakapagtala naman si Senate President Franklin Drilon ng 35 porsyentong net rating (57 satisfied, 22 dissatisfied, 19 undecided). Tumaas ito mula sa 53 porsyento sa survey noong Disyembre.
Tumaas din ang rating ni Speaker Feliciano Belmonte Jr., na nakapagtala ng 12 porsyento (38 satisfied, 26 dissatisfied, 29 undecided) mula sa 11 porsyento.
Si Supreme Court chief justice Maria Lourdes Sereno naman ay nakapagtala ng 10 porsyento (38 satsified, 28 dissatisfied, 25 undecided) mula sa 11 porsyento.
Tumaas naman ang net satisfaction rating ng Senate na naitala sa 31 porsyento ula sa 26.
Hindi naman nagbago ang net rating ng Kamara de Representantes na naitala sa 20 porsyento.
Ang Korte Suprema ay nakapagtala naman ng 34 porsyento mula sa 26 at ang Gabinete ay tumaas sa 13 porsyento mula sa 9.
Ang survey ay ginawa mula Marso 20-23 at kinuha ang opinyon ng 1,200 respondents.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending