Petron asinta ang ika-6 sunod na panalo; Daquis napiling PSL Player of the Week | Bandera

Petron asinta ang ika-6 sunod na panalo; Daquis napiling PSL Player of the Week

Mike Lee - April 13, 2015 - 01:00 AM

Mga Laro Ngayon
(Cuneta Astrodome)
1:30 p.m. Cignal vs Shopinas
4:15 p.m. Mane ‘N Tail
vs Foton
6:15 p.m. Philips Gold
vs Petron
Team Standings: Petron (5-0); Foton (3-2); Shopinas (3-2); Philips Gold (2-3);
Cignal (1-3); Mane ‘N Tail
(1-4)

ANG maturity sa paglalaro bukod sa liderato at karanasan ang isang bagay na naibibigay ni Rachel Ann Daquis para mamayagpag ang Petron sa 2015 Philippine SuperLiga (PSL) All-Filipino Conference.

May 6-0 karta ang Lady Blaze Spikers at ang huling panalo ay naitala sa palabang Mane ‘N Tail sa limang sets, 25-27, 25-22, 25-16, 17-25, 16-14, noong Sabado.

Si Daquis ay mayroong 16 puntos at siya ang umako sa huling dalawang puntos para tumibay ang kapit ng koponan sa liderato sa liga. “Iyon talaga ang inaasahan namin kay Daquis.

Noong kinuha namin siya, ang maturity niya sa game ang inaasahan sa kanya,” wika ni Petron coach George Pascua.
Sa kanyang pagbibida, si Daquis ang siyang kinilala bilang Spurway-PSL Press Corps Player of the Week.

Si Daquis ang ikalawang manlalaro ng Petron na binigyan ng citation matapos ni Dindin Santiago-Manabat na ikinonsidera rin matapos ang conference-high 30 puntos sa Lady Stallions.

Magpapatuloy ang laro sa PSL ngayon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City at balak ng Petron ang ikaanim na diretsong panalo sa pagharap uli laban sa Philips Gold dakong alas-6:15 ng hapon.

Ang unang labanan sa triple-header game sa ganap na ala-1:30 ng hapon ay sa pagitan ng Cignal at Shopinas bago sundan ng Foton kontra Mane ‘N Tail dakong alas-4:15 ng hapon.

Ang labanan sa first game ang pormal na tatapos sa first round elimination.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending