Thea nakatikim na sunud-sunod na sampal kay Jean | Bandera

Thea nakatikim na sunud-sunod na sampal kay Jean

Ervin Santiago - April 12, 2015 - 02:00 AM

thea tolentino

UMERE na kamakailan ang episode ng The Half Sisters kung saan nakatikim ng apat na magkakasunod na sampal si Thea Tolentino mula kay Jean Garcia.

Ayon kay Thea, talagang memorable ang eksena na iyon dahil first time niyang masampal nang sunud-sunod. Masaya rin siya dahil napakaganda raw ng rapport nila ni Jean, na gumaganap bilang ina niya sa number 1 daytime drama show nationwide, kaya naman 1 to 2 takes lang ay na-satisfy na si Direk Mark Reyes sa kanilang eksena.

“(Pinayuhan niya akong) wag umilag sa sampal kasi baka tumama sa ears, delikado ‘yon. Tulungan talaga (kami). At alam naman din nating lahat na isa sa mga malalakas sumampal si Ms. Jean, (at) totoo lahat [ng sampal kaya] uminit ‘yung pisngi ko ng 1 hour or more,” kuwento pa ng Kapuso actress.

Abangan ang mas tumitindi pang mga eksena sa The Half Sisters, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA Afternoon Prime.

Samantala, mahigit isang taon nang magkakasama sa trabaho ang cast members ng The Half Sisters kaya naman mas naging komportable na sila sa isa’t isa. At pati ang kani-kanilang mga karakter, napamahal na rin daw sa kanila.

Ganito rin daw ang nararamdaman ni Thea kahit pa mataray ang karakter niyang si Ashley. Kuwento ni Thea, para raw bang may nabuo na siyang koneksyon sa kanyang karakter.

Ang tanong tuloy ng manonood, posible kayang mahawa si Thea sa katarayan ng karakter niya? Sisiguraduhin naman daw niyang si Ashley lang ang mataray, sagot ni Thea.

Hindi rin daw siya nagpapaapekto sa tuwing naiinis sa kanya ang mga manonood dahil sa pagganap niya bilang Ashley, “Hinahayaan ko na lang sila. Tinatanggap ko na lang na magandang feedback ‘yun sa trabaho ko.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending