Pagbubuntis ni Marian...Laban o Bawi? | Bandera

Pagbubuntis ni Marian…Laban o Bawi?

Ervin Santiago - April 12, 2015 - 02:00 AM

maian dindong dantes

AYAW pang kumpirmahin ng mag-asawang Marian Rivera at Dingdong Dantes ang balitang magkakaroon na rin sila ng sariling baby.

Kumalat kasi sa social media kahapon na buntis na ang GMA Primetime Queen, pero wala pang iniisyung official statement ang mag-asawa tungkol dito.

Kahit ang mga kaibigan at ilan pang malalapit na personlidad kina Marian at Dingdong ay ayaw ding magsalita tungkol sa pagdadalantao ng Kapuso actress.

Hayaan na lang daw na ang mag-asawa ang mag-announce kung totoo man ang balita. Inaasahang magsasalita si Marian tungkol sa kanyang pagbubuntis sa darating na Martes.

Nakatakda siyang humarap sa entertainment press sa April 14 para sa bago niyang endorsement. Nauna rito, mismong si Marian na ang nagsabi na gustung-gusto na rin nilang magka-baby ni Dong, pero aniya sa isang panayam, “Siyempre, ‘di ba, kahit gustuhin mo, pero ‘di pa niya call at hindi pa rin time, wala talaga.”

Pero kung totoo ngang buntis na ang misis ni Dingdong, paano na ang sisimulan niyang teleserye sa GMA na The Rich Man’s Daughter na malapit na ring umere? Siguradong maaapektuhan ito kung sakali ngang pregnant na siya.

Kay Dingdong ang walang magiging problema kahit na may teleserye siya ngayon (ang Pari ‘Koy sa GMA TeleBabad) dahil hindi naman siya ang magdadala ng baby sa tiyan for nine months.

Kaya kung kami ang tatanungin, baka nga mas totoo ang balita na nagpa-family planning ngayon ang mag-asawa para hindi muna mabuntis si Marian. Kayo dear readers, ano sa tingin n’yo?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending