MALAKI ang posibilidad na matulog si Floyd Mayweather Jr. kapag tinamaan ng suntok ni Manny Pacquiao sa Mayo 2.
Hindi lamang ang kanan kundi pinalalakas pa ni trainer Freddie Roach ang kaliwa ni Pacman para mas dumami ang arsenal upang ipatikim sa pound-for-pound king ang kanyang unang pagkatalo matapos ng 47 sunod na panalo.
Sa panayam ng Los Angeles Times, sinabi ni Roach na isinasalang niya si Pacquiao sa extra training at ang kaliwa lamang niya ang pinasusuntok sa loob ng 12 rounds.
“We did 12 rounds of left hand only. The right hand was never used,” wika ni Roach. “It’s about putting everything together.”Kaliwete si Pacquiao pero noong 2005 ay pinalakas ni Roach ang kanyang kanan at nagamit niya ito para matalo ang ilang malalaking katunggali.
Isa sa lumasap ng bangis ng kanyang kanan ay si David Diaz para makuha ang lightweight title. “It’s all about usage, muscle memory…[Pacquiao and Mayweather] will be equal at some point.
Manny’s been favoring the right side so much now, I need to bring the left back,” dagdag ni Roach. Tatlong linggo na lamang at sasambulat na ang pinakahihintay na malaking laban sa ring sa kapanahunang ito at tiyak na titindi pa ang sparring na gagawin ni Pacquiao upang maipalabas ang knockout punch sa gabi ng laban.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.