Nanay ni Taylor Swift may cancer, Pinoy fans nagdasal | Bandera

Nanay ni Taylor Swift may cancer, Pinoy fans nagdasal

Ervin Santiago - April 11, 2015 - 02:00 AM

taylor swift

Milyun-milyong fans ng international award-winning singer na si Taylor Swift ang nalungkot sa balitang may cancer ang kanyang nanay na si Andrea Finlay.

Ayon kay Taylor Swift ayaw na sana niyang isapubliko ang kundisyon ngayon ng kanyang ina pero ito raw mismo ang nagsabi sa kanya na ipaalam sa lahat ang kanyang sakit para hikayatin ang mga nanay sa buong mundo na magpatingin agad para maiwasan nang maaga ang sakit na big C.

Sinabi ni Taylor Swift na maayos naman ang kalagayan ng nanay niya hanggang sa hikayatin ito ng kapatid niya na magpa-check-up. “The results came in, and I’m saddened to tell you that my mom has been diagnosed with cancer.

I’d like to keep the details of her condition and treatment plans private, but she wanted you to know,” pahayag ng international singer sa kanyang social media account.

Ilang sandali lang matapos ihayag ni Taylor ang kundisyon ng kanyang ina, agad na nagpahayag ng kanilang pakikisimpatya ang milyun-milyon niyang followers sa Twitter, Facebook at IG.

Agad ding naging trending sa Twitter ang #PrayForMamaSwift. Maraming Pinoy fans ng singer ang nangako na ipagdarasal nila ang paggaling ni Mrs. Andrea Finlay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending