ENRIQUE GIL, KATHRYN BERNARDO, magdyowa na? | Bandera

ENRIQUE GIL, KATHRYN BERNARDO, magdyowa na?

- June 06, 2012 - 03:37 PM

SANDAMAKMAK na ang fans ng loveteam nina Kathryn Bernardo at Enrique Gil na napapanood gabi-gabi sa seryeng Princess And I sa ABS-CBN, pero hindi rin patatalbog ang mga supporters ng tambalan nina Kathryn at Daniel Padilla.

In fairness, sa mga nababasa naming mga tweet at posts sa mga social networking sites ay nag-aaway-away na ang mga fans nina Enrique at Daniel sa kung sino ang dapat na makatuluyan ni Kathryn sa Princess And I.

Feeling nga namin, any moment ay magkakahamunan at magbabantaan na rin ang mga ito.

Anyway, aminado naman ang primetime prince na si Enrique na ideal girl niya ang tulad ni Kathryn.

Bagama’t ayaw niyang magsalita nang tapos, espesyal raw para sa kanya si Kathryn. At mas lalo pa raw silang naging close ngayon.“Kahit sinong lalaki, magugustuhan si Kathryn kasi makikita mo talaga lahat ng great qualities ng isang girlfriend sa kanya.

Sobrang mabait at maalaga siya,” sabi ni Enrique.

Tulad ng role niya sa Princess And I na si Dasho Jao na aliw na aliw sa kapilyahan ni Mikay, natutuwa rin si Enrique sa pagiging totoo ni Kathryn.

Aniya, “Warm katrabaho si Kath. Lagi kaming nagkukulitan sa set kaya nakakawala ng pagod.”

Samantala, nagpapasalamat naman si Enrique sa patuloy na pamamayagpag ng national TV rating ng kanilang royal teleserye.

Pahayag niya, “Sulit lahat ng pagod naming mga artista pati ng staff dahil sa mainit na suporta ng viewers sa amin gabi-gabi.

Maraming salamat po sa lahat.”

“Sa palagay ko kasi, kami ‘yung bumabalance sa primetime shows ng ABS-CBN dahil light lang ang story namin na punong-puno ng kilig.

Kaya gagaan talaga ang feeling ng viewers,” pahayag pa ng binata.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Napapanood pa rin ang Princess And I gabi-gabi, pagkatapos ng TV Patrol sa Primetime Bida.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending