Hiling ni GMA na ibasura ang plunder hindi pinagbigyan | Bandera

Hiling ni GMA na ibasura ang plunder hindi pinagbigyan

Leifbilly Begas - April 07, 2015 - 02:38 PM

GMA

GMA

Hindi pinagbigyan ng Sandiganbayan First Division ang hiling ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Arroyo na ibasura ang kinakaharap nitong plunder kaugnay ng iregularidad sa paggamit ng P366 milyong pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office.
Naghain si Arroyo ng Demurrer to Evidence sa paniwala na mahina ang ebidensya na iniharap ng prosekusyon laban sa kanila subalit hindi ganito ang tingin ng korte.
Ang Demurrer ay inihahain ng akusado upang ipakita sa korte na kulang ang ebidensya ng prosekusyon para patunayan ang kaso. Kung napagbigyan ang demurrer nangangahulugan na dismiss ang kaso.
Kung mababasura ang Demurrer nangangahulugan na kailangang kumbinsihin ng akusado ang korte sa pamamagitan ng paghaharap ng ebidensya.
Hindi rin pinagbigyan ng korte ang Demurrer ni Benigno Aguas.
Samantalang pinagbigyan naman ang inihain nina Manuel Morato, Raymundo Roquero, Jose Taruc, at Reynaldo Villar. “They are therefore ordered Aquitted of the offense charged herein.”
Sinampahan ng kasong plunder si Arroyo at mga kapwa niya akusado kaugnay ng maanomalya umanong paggamit ng P366 milyong confidential and intelligence ng PCSO mula 2008-2010.
Si Arroyo ay naka- hospital arrest sa Veterans Memorial Medical Center samantalang si Aguas ay nasa Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending