BB kay ZOREN: Parang nabablangko naman ako sa tingin mo! | Bandera

BB kay ZOREN: Parang nabablangko naman ako sa tingin mo!

- June 04, 2012 - 04:11 PM

At bilang pagsasara sa pinagpipistahan nilang interbyuhan sa Paparazzi nu’ng nakaraang Sabado ay narito na ang ikalawang bahagi ng panayam na tinutukan ng ating mga kababayan.

Zoren: Some people, tinitingnan nila si BB, she’s now wearing heels.

But deep inside, the character ni BB, marami pala siyang pinagdaanan.

Ano’ng plano mo sa future mo? Can you honestly say na kumpleto ka na?

BB: Well, I can say, I’m happy, but I can be happier.

I always say that. Parang nabablangko naman ako sa tingin mo!

Zoren: Tama pala ‘yung mga hinala ko, na it’s not that easy. Meron ka talagang pinagdadaanan at merong mga trials araw-araw.BB: Yes, yes! In fact, tinataong nga nila if this is a preference or what? Sabi ko, no! This is my orientation.

My sexuality is an orientation, it’s not a preference. So it’s not a choice, because if this is a choice, wow!

One hundred times kong pag-iisipan ito if this will be my choice. But this is not a choice.

So kahit mahirap siya, kailangan mong harapin, kailangan mong tanggapin.

Zoren: Bibigyan kita ng opportunity na, sige, tanungin mo ako ng tatlong tanong na gusto mong itanong sa akin.

Kahit ano!

BB: Kahit ano? Bakit mo ako gustong ma-interview?

Zoren: Gusto talaga kitang ma-interview, hindi ako, kundi si Carmina.

Because I want that closure in the eyes of the public.

Gusto ko sanang masara siya and maintindihan ng publiko na it’s really not a big deal sa ating tatlo.

It’s not a big deal dahil hindi pa tayo nagkikita-kita, and pangalawa, sa akin naman, the reason why gusto kitang ma-interview it’s because I really want to get to know you. Dahil kasama ka sa past niya, e.

You’re part of her history. Hindi na ‘yun mabubura kahit ano pang sabihin mo.

You’re still included and gusto kitang makilala. And I’m very thankful na you said yes to this interview.

Nagkakilala tayo and I’m very happy and nabunutan ako ng tinik sa mga narinig ko sa iyo and lalo kitang nirespeto.

BB: Second question! Given the choice, sino’ng gusto mong ma-interview, si Rustom o si BB?

Zoren: Sa tingin ko, ikaw. Dahil mas marami akong magagandang itatanong sa iyo.

Mas marami kang masasabi, mas magiging kabado ako kung si Rustom ‘yung mai-interview ko!

BB: Why?

Zoren: Magiging guy to guy talk, e! Hindi kagaya natin, you know, mas calm, may tawanan, mas kalmado siya.

Ikaw, mas gusto kita talaga, mas gusto kita talaga! Close na nga tayo, di ba?

BB: Question, gaano mo kamahal si Carmina?

Zoren: Hindi pa ako nagloloko, you know.

Maraming hindi maniniwala, maraming tukso, pero malaki talaga ang sakripisyo ko to keep my family intact.

So, ang ginagawa ko talaga para makaiwas ako du’n, hindi na talaga ako lumalabas. I mean, I hang out with my kids.

Gaano ko kamahal si Carmina? Ayoko kasing cliché ‘yung sagot, e.

Siguro, right now, kasi she’s not good with money.

Siguro, sa sobrang pagmamahal ko sa kanya, Im so afraid na mawala ako sa kanya.

BB: Ang bata mo pa, ganyan agad ang iniisip mo?

Zoren: Ganito ako, e! Sini-set ko na siya.

Just in case na mawala ako sa kanya, meron na siyang mga investment na hindi niya alam.

BB: Hindi ko alam kung sa kanya ko nasabi ito o kung kanino.

Nakita ko kayo sa isang guesting. Siguro that was at a time na siyempre hindi naman ganito all throughout.

May panahon na pag nakikita mo, parang natuwa ako 10 years ago.

Hindi mo alam kung ano ‘yung nararamdaman mo sa tuwing nakikita mo.

But when I saw both of you, hindi ko alam kung sa commercial o sa isang TV guesting? But what I saw was enough!

Sabi ko, parang I should be happy for them, because I think kung meron man akong wish for Carmina, hands down, isa lang, e!

Just for her to be happy. No matter what, I just want her to be happy.

Zoren: Thank you! Tama naman ‘yung nakikita ko.

So from here, sana, this is a beginning for all of us na.

It’s really everything under the bridge na, you know?

Bagong pakikitungo ng isa’t isa. Kumbaga, let’s start as a family. We can be family. Wala namang problema du’n.

BB: Wow! ‘Yun yata ang pinakamagandang narinig ko ngayon! Pero I’m really, really…

I’m very happy that I finally got to talk to you.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

And hopefully, I get to meet your whole family. That’s my wish, to meet your whole family.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending