CA inatasan ang 3 ahensiya na itigil ang suspensyon ni Junjun Binay | Bandera

CA inatasan ang 3 ahensiya na itigil ang suspensyon ni Junjun Binay

- April 06, 2015 - 05:25 PM

JUNJUN BINAY INQUIRER

JUNJUN BINAY INQUIRER

NAGPALABAS kahapon ang Court of Appeals (CA) ng writ of preliminary injunction kung saan inaatasan nito ang Office of the Ombudsman, Department of Justice (DOJ) at Department of Interior and Local Government (DILG) na itigil ang pagpapatupad ng suspensyon laban kay Makati Mayor Jejomar Erwin “Junjun” Binay.
Ipinag-utos din ng appellate court’s 6th Division ang paglalagak ni Mayor Binay ng P500,000 bond.
Kasabay nito, inutusan din ng CA ang lahat ng mga ahensiya ng gobyerno na irespeto at panatiliin ang status quo bago ang pagkakasuspinde kay Binay.
Mangangahulugan ito na dapat hayaan ng Ombudsman, DOJ at DILG na manatili si Bina sa puwesto habang nirerepaso ang kasong administratibo laban sa kanya at lahat ng isyung legal kaugnay ng kautusan ng kanyang pagkakasuspinde.
Nauna nang nagpalabas ng anim na buwang preventive suspension ang Ombudsman laban kina Binay at 21 iba pang opisyal ng Makati City kaugnay ng umano’y overpriced na Makati City Hall II Building.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending