Natatakot tumandang dalaga (2) | Bandera

Natatakot tumandang dalaga (2)

Joseph Greenfield - April 06, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Realyn ng Talipapa, Novaliches, Quezon City 

Problema:

1. Nagta-trabaho po ako sa isang call center, kaya lang nagresign ako kasi hindi ko kaya ang sobrang puyat. Sa ngayon ay may aplay ako sa isang telecommunication company, matatanggap kaya ako? Nag-aplay din po ako sa abroad, sa isip-isip ko kasi kung ano ang mauna, malamang yon ang calling ko. May chance po ba na makapag-abroad ako?

2. Sa ngayon ako po ay 24 years old na di pa nagkaka-BF. Sabi ng nanay ko nag-aalala siya baka daw ako tumandang dalaga, kasi may lahi po ang both side ng mother at father ko ng matandang dalaga, kaya itatanong ko na rin po kung magkaka-boyfriend ba ako at makapag-aasawa kaya ako at kailan? September 14, 1990 po ang birthday ko.
Umaasa,
Realyn ng
Quezon City
Solusyon/Analysis:
Astrology:

Ang zodiac sign mong Virgo (Illustration 2.) ang nagsasabing bukod sa matutupad ang lahat ng pangarap mo sa career, ikaw ay nakatakda ding magkaboyfriend at makapag-asawa, hatid ng isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Taurus.
Numerology:

Dahil 14 ang birth date mo, ikaw ay yayaman, sa tatlong bagay na posibleng mangyari sa iyong kapalaran: Yayaman ka sa walang tigil na pag-aabroad. Yayaman ka sa walang humpay na pagnenegosyo. At pangatlo, makapag-aasawa ka ng mayaman at dahil makakapag-asawa ka ng mayaman, magiging mayaman ka na rin balang araw.
Luscher Color Test:

Mapalad ka naman sa kulay apple green, gray, blue at silver. Magsisilbing lucky charm mo ang batong sapphire na ipapalamuti sa silver na singsing.
Huling payo at paalala:

Realyn ayon sa iyong kapalaran tiyak ang magaganap sa taon ding ito ng 2015 sa sandaling tumuntong ang edad mo sa 25, isa-isa nang matutupad ang mga pangarap mo sa buhay – makakaroon ka ng stable job, makapag-aabroad ka, at higit sa lahat sa taon ding ito ng 2015 hanggang 2016 sa edad mong 26 pataas, magkaka-boyfriend ka na at habambuhay na liligaya hatid ng isang lalaking mayaman na nagtataglay ng zodiac sign na Taurus.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending