Pia Wurtzbach binalaan ang mga Pinoy na adik sa credit card
Inamin ni Bb. Pilipinas Universe Pia Wurtzbach na natutunan niyang mag-save ng kanyang kinikita mula sa kanyang magulang – at meron siyang simpleng formula para madaling makaipon.
Sey ni Pia sa isang interview, 10 percent ng kanyang income ay napupunta sa kanyang savings at investment habang ang natitira ay para sa kanyang mga bayarin. “I live alone, I live independently so I have a lot to pay for,” aniya.
Naging breadwinner din ang beauty queen-actress sa kanilang pamilya pero ang nanay pa rin niya ang nagma-manage ng kanilang household finances. Dahil daw dito kaya hindi siya masyadong magastos.
Inamin din ni Pia na natutunan niya ang value ng pera noong 7 years old pa lang siya, ito’y matapos siyang kumupit ng P1,000 sa wallet ng kanyang nanay. Pinarusahan daw siya dahil dito.
Ang tatay naman niya ang nagbukas ng bank account para sa kanya kaya bata pa lang marunong na siyang mag-save.
“He educated me on how to save up and how important it is,” sey pa ng dalaga.
Isa pang payo niya sa mga gastador na Pinoy, “Don’t get a credit card if you’re not ready for it or if you know that kahit konti lang may feeling na you might not be able to pay for it, don’t do it.
Ako I trust myself to not trust myself with a credit card.” Natanong din si Pia sa isang TV interview kung ano ang gagawin niya kung siya ang tanghaling richest person in the world, sagot ni Pia, mas palalawakin pa niya ang pagtulong sa mga programa for abused women and children and teens na nai-involve sa drugs at violence.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.