Matapos ang 15 taon, colon cancer ni Joey Albert bumalik | Bandera

Matapos ang 15 taon, colon cancer ni Joey Albert bumalik

Ervin Santiago - April 05, 2015 - 02:00 AM

joey albert
Muling sasailalim sa isang operasyon ang singer na si Joey Albert. Ayon sa mensaheng ipinost sa isang Facebook fanpage bumalik ang colon cancer ni Joey na talagang ikinalungkot ng kanyang supporters.

Narito ang post ng admin ng nasabing fanpage:

“Dear friends of Joey,
“On January 28, 2015, Joey’s medical tests confirmed that her colon cancer had recurred. Please join us, her Facebook administrative team, in praying for her successful surgery tomorrow, March 27th.
“Let’s claim another victory over cancer for our beloved Joey!
“Thank you,
“Admin.”

Kung matatandaan nagtagumpay si Joey Albert sa paglaban sa cervical cancer noong 1995. Pero noong 2003 na-diagnose naman siya na may colon cancer.

Sumailalim siya agad sa operasyon noong Hulyo, 2003 at naging cancer free. Ngunit makalipas nga ang 15 taon bumalik diumano ang cancer ng magaling na singer.

Pagkatapos mai-post ang mensahe sa FB, bumaha na ng sandamakmak na komento ang mula sa netizens. Nangako sila na ipagdarasal ang paggaling ni Joey.

Habang isinusulat namin ang balitang ito, wala pang follow-up post ang admin ng nasabing FB fanpage kung ano na ang nangyari sa operasyon ng singer.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending