outbrain

Wait lang daw: Sharon taon pa ang bibilangin bago tuluyang pumayat

By Cristy Fermin April 02,2015
share this

Wait lang daw: Sharon taon pa ang bibilangin bago tuluyang pumayat

By Cristy Fermin April 02,2015
share this

sharon cuneta

Ang dami-daming nagkokomento na hindi pa raw naman pala ganu’n kapayat sa mga lumalabas na kuwento si Sharon Cuneta. Mataba pa rin daw ang Megastar, wala pa ring leeg, napakalapad pa rin daw ng kanyang katawan.

Mula sa napakalaking inilapad ng katawan ng singer-actress-TV host, sana’y huwag namang umasa ng milagro ang mga miron, hindi niya magagawa nang minsanan lang ang pagbabawas ng timbang.

Kung sana’y medyo tumaba lang si Sharon, pero nakita naman ng buong bayan ang nangyari sa kanya, naging triple ang kanyang laki na salamat nga dahil unti-unti nang nababawasan ngayon.

Ang akala yata ng iba ay ganu’n kadali ang pagbabawas ng timbang, lalo na sa sitwasyon ni Mega na talagang lumubo, taon pa ang bibilangin bago natin makita ang hubog ng kanyang katawan.

Maging masaya na sana ang iba sa paggaan ng kanyang weight, nagsasakripisyo na nang husto si Sharon, bigyan din sana ng pagpapahalaga ng mga miron ang mga ginagawa niyang pagsisikap.

“Huwag na kasi siyang tumatabi sa mga payat, lalong nakikita ang pagkaaparador ng katawan niya!” masakit na komento pa ng isang kababayan natin sa social media.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending