‘I promise I’ll pull out’ shirt na ibinibenta sa mall kinuwestyon ng Gabriela
KINUWESTYON ng Gabriela Women’s partylist ang ibinebentang t-shirt sa boys section ng SM department store na nagpapahiwatig umano ng hindi magandang mensahe kaugnay ng unsafe sex.
Sa isang press statement, sinabi ni Gabriela Rep. Emmi de Jesus na muling nagbenta ang SM department store ang t-shirt na may mensahe na laban sa mga kababaihan.
“Despalinghado na ba talaga ang sense ng corporate social responsibility ng SM mall at ikalawang ulit na itong nagkamali sa pagbenta ng kalakal na nagkakandili ng karasahan sa kababaihan at bata?” ani de Jesus.
Noong nakaraang taon ay kinondena rin ng Gabriela ang ibinebentang t-shirt ng SM na may mensaheng “It’s not rape, it’s a snuggle with a struggle.”
Ayon kay de Jesus kumalat ang litrato ng t-shirt na nabili sa boys section ng SM na may mensaheng “I promise I’ll pull out”.
“The play of words may sound like a harmless joke to marketers, but this has a subtle encouragement for young boys to seduce women and subject them to date rape.
We believe that major retailers keep their promise to screen merchandise for messages that are harmful to women and foment violence, bullying, vouyerism, unsafe non-consensual sex and other anti-women acts,” dagdag pa ni de Jesus.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.