‘Nakakainggit ang yaman nina Piolo, John Lloyd at Coco!
NAKAKAINGGIT din to some extent ang ilang celebrity-friends natin in terms of their financial status, ‘no? Minsan sumasagi sa isipan namin how sweet siguro life is pag marami kang salapi, di ba?
Mabibili mo ang mga pangangailangan mo at ng pamilya mo. Mabibigyan mo sila ng maganda buhay. Yung ganong level ng inggit lang naman – yung aspirational ang dating. Ha-hahaha!
“Mag-ipon ka kasi – hindi yung puro gastos. Huwag kang magsugal para makapag-ipon ka. Huwag kang magyosi na – huwag kang manlalaki. Huwag kang masyadong generous to a fault,” sabi sa akin ng isang friend ko.
Simple lang naman ang simula ng pag-uusap namin regarding financial stability at kay sarap namnamin na marami kang dahtung – yung napakaraming pangarap mo ang matutupad.
Sabi ko kasi, pag magkapera ako, magpapatayo ako ng magandang bahay para sa family ko. Bibigyan ko sila ng magandang buhay. Magta-travel kami ng anak ko at iba pang mahal sa buhay including some good friends.
Magpapatayo ako ng adoration chapel sa barrio namin sa Pandan, Dingle and Sta. Barbara, Iloilo. Pag marami na akong pera, mababayaran ko na ang mga pagkakautang ko. Ha-hahaha! Masarap kasing mabuhay na walang utang, di ba?
Tutulungan ko ang maraming press friends kong medyo hikahos din sa buhay. Yung mapapakinabangan ako nang mabuti ng industriya ko by giving them enough jobs and good income.
Lalo kong gagastusan ang pangangailangan ng mga alaga ko sa showbiz lalong-lalo na si Michael Pangilinan – mas maraming shows at album ang ipo-produce ko for him.
Aalagaan ko ang men of my life – hindi ko naman sila ii-spoil sa dahtung pero alam mo yung sure silang hindi sila magugutom with me tutal napapasaya naman nila ang puso ko.
Why sila hindi siya? Kasi nga, hindi lang naman nag-iisa ang dyowa ko – bading yata ako. Hindi ako babae na puwedeng maging faithful sa isa – gusto ko pag iniwan ako ng isa may fallback ako.
Mahirap yatang iwanan sa ere. Ha-hahaha! Kaya ko nasabi ito, kasi nananatiling pangarap lamang ito. Buhay pa naman in a way – living a little comfortably.
Kaya lang, itong kaibigan kong kakuwentuhan ko, tinalakan ako agad. Huwag daw akong magsugal at kung anu-anong bisyo. Teka lang naman, hindi ko sinasabing santo ako – lahat naman yata ay pinatitigil mo sa akin.
Gusto mo na yata akong patayin. Ha-hahaha! Basta everything in moderation lang, di ba? Krimen ba ang maging generous? Gusto mo hindi na akong magiging generous? Ikaw rin!
Yes, nakakainggit ang mga tulad nina Papa Piolo Pascual, John Lloyd Cruz, Kris Aquino, Coco Martin at iba pang local celebrities na milyones ang kita kaya milyones din ang binabayarang tax.
Kahapon ay nabasa akong P42 million ang binayaran ni Papa P sa BIR this year (for last year’s income siguro niya). Laki, di ba?
Eh tayo nga, hindi man lang tayo nakahawak ng tumataginting na P5 million sa tanang buhay natin – yung talagang atin, ha.
Siyempre, may mga iba tayong kababayan who are just equally-blessed dahil pinagtrabahuan naman nila yun. Kaya nga nasabi kong ang sarap sigurong magkaroon ng maraming pera, di ba? Yung marami kang pera pero nananatili kang mabait na tao. Na hindi ka madamot at mabuting alagad ng Diyos.
Pero ganoon talaga ang buhay – that’s what you call destiny. Hindi pa naman huli ang lahat, habang nabubuhay tayo ay may pag-asa. Kaya tama naman ang friend kong dapat magbawas ako ng bisyo para matupad ko ang ilang mga pangarap ko.
Pero huwag naman sabay-sabay. Tao lang ako. Ayoko namang may pera ako pero boring naman ang life ko. Kaloka!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.