Natalo ni Donaire ang Brazilian na si William Prado, samantalang napanatili naman ni Nietes ang kanyang titulo sa WBO light flyweight matapos ang technical knockout sa ika-10 round matapos namang makalaban ang Mehikanong si Gilberto Parra.
Umabot lamang ng dalawang round ang laban sa pagitan ni Donaire at Prado matapos magdugo ang kaliwang mata ng huli, kayat ipinahinto ang laban.
Matatandaang natalo si Donaire sa Cuban na si Guillermo Rigondeaux.
Nais naman ni Donaire ng re-match kay Rigondeqaux.
“That’s something that we’re looking at,” sabi ni Donaire.We got to see where I’m at in terms of my ability. I feel that we are still in the elite level and we can compete with guys like Rigondeaux.”
Natalo ni Rigondeax si Donaire sa kanilang laban sa New York dalawang taon na ang nakakaraan kung saan nakuha niya kapwa ang WBA at WBO super bantamweight na titulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending