Sigaw ng kampo ni Valerie: Di siya sugar daddy, walang huthutan!
LAST time we revealed some details tungkol sa pagkatao ng nababalitang boyfriend nga-yon ng sexy actress na si Valerie Concepcion. After we wrote about it at lumabas dito sa BANDERA, we’ve been receiving text messages giving their opinions – positive and negative – at ang nakakagulat some of them even revealed the complete name of the guy.
So, might as well reveal the name ng lalaki. Ayon sa aming source, ang boyfriend daw ngayon ni Valerie ay si Bureau of Immigration lawyer na si Siegfried Mison.
Siegfried is the son of former NBI director Mariano Mison. Annulled na raw from previous marriage si Atty. Mison. Pero may mga anak siya sa ex-wife niya at may mga apo na rin.
May comment naman kaming natanggap na hindi naman talaga boyfriend ni Valerie si Atty. Mison kundi “sugar daddy” niya.
Pero mabilis namang pinabulaanan ‘yan ng isang malapit kay Valerie.
Ayon sa kanya, boyfriend daw talaga ‘yun ni Valerie. Kung sugar daddy, ibig daw sabihin pineperahan lang ni Valerie si Atty. Mison. Pero wala raw hinihingi na kung anu-ano si Val sa guy.
Sa true lang, ayaw daw magsalita ni Valerie tungkol sa bago niyang boyfriend. Una, hindi pa naman daw katagalan ang kanilang relasyon, so, anything can still happen. Hmmmm, may point naman diyan si Valerie.
Hindi pa rin nagsasalita si Atty. Mison about this kaya hintayin na lang natin kung idedenay nila ito o kukumpirmahin na para matagil na ang mga espekulasyon ng mga tao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.